Nangunguna rin sa kakulitan ang inyong lingkod na si Boy Dapa. Noong bata ako eh itinali ko sa may dingding ang kalaro ko. Sinturon ang ginamit ko. Sabi nya kasi, Pascow ang apelyido nya. Kaya itinali ko, parang cow :D Yun pala eh Pascual.
Ang anak ko, itinatali rin ang Inay nya. Ililigtas daw nya sa mga kalaban. Lumalabas talaga ang lahi ng makukulit. Hhhhmmmm... Kailan kaya didilaan ni Ineng ang 9 Volts battery na kagaya ng ginawa ko noong bata pa ako?
Naging makulit na ulit ako ngayon, lalo na sa airsoft. Halos isang buwan kasi akong di nakalaro. Ayun, noong Sabado, nag-ayos ulit ng baril at rumatrat noong Linggo. May ngiti ako sa mga labi. Nakasimangot naman si Joy sa gastos, he he he.
Labels: 9 Volts Battery, Airsoft, Kulit
Nasan yung ini scotch brite mo ng as-is yung kaklase mo sa braso niya ng walang ka abog abog eh babae pa man din.
Nasan yung halos araw araw ay kasabay mo na rin sa pagpasok ang iyong Mama dahil sa Guidance naman pupunta para aregluhin ang araw araw mong kakulitan na ginagawa sa kaklase at teacher mo? Sabi ni Mama sa akin hanggang highschool daw silang parang napasok din. Laging kabado si Mama tuwing magbubukas ang pasukan. hehehe
Yung magwawala ka sa palengke kasi hindi mo makita si Bear Brand sa loob ng karton ng gatas na Bear Brand?
Yung pagtalon mo sa bintana nyo sa bahay nyo sa Zambales para lang makahabol at makasama sa Papa? Buti daw hindi natasak ang tiyan mo sa kawayang bakod.
Hmmm... Madami pa yan eh... Pag pala nagkwento uli ang Papa at Mama eh ililista ko... Ako ang nakakalimot eh... hehehehe
Madami yan itay... Lahat kakaiba ang kakulitan mo kaya noted notorious mischievous smart clevered ass ka sa school sabi sa akin ng Mama.
Tingnan mo Itay hanggang ngayon kilala ka pa rin nung teacher mo nung elementary pag nakikita ka. At lagi siyang nagugulat na sa tuwing makikita tayo, na parang hindi makapaniwalang may asawa't anak ka na. I can imagine kung gano kakulit noon. May trauma lahat ng pinagdaanan mong teachers. hehehehe
Pero after all these, I love you very much Itay!!!! Wag mo na lang ikukwento kay ineng para hindi siya magkaron ng IDEA. Kasi kahit ata hindi mo ikwento eh pumapasok na din sa isip nya ang pagiging makulit eh. hehehe