
May mini-review ako ng Glock 26 pistol na regalo ni Inay sa akin. Mababasa ang review sa isa ko pang Paradise Philippines blog.
Labels: Airsoft, KSC Glock 26C, Paradise Philippines, qroonix
|| nilaga ni qroon, 12:31 PM
|| link
|| (4) ang nakihigop |
Nangunguna rin sa kakulitan ang inyong lingkod na si Boy Dapa. Noong bata ako eh itinali ko sa may dingding ang kalaro ko. Sinturon ang ginamit ko. Sabi nya kasi, Pascow ang apelyido nya. Kaya itinali ko, parang cow :D Yun pala eh Pascual.
Ang anak ko, itinatali rin ang Inay nya. Ililigtas daw nya sa mga kalaban. Lumalabas talaga ang lahi ng makukulit. Hhhhmmmm... Kailan kaya didilaan ni Ineng ang 9 Volts battery na kagaya ng ginawa ko noong bata pa ako?
Naging makulit na ulit ako ngayon, lalo na sa airsoft. Halos isang buwan kasi akong di nakalaro. Ayun, noong Sabado, nag-ayos ulit ng baril at rumatrat noong Linggo. May ngiti ako sa mga labi. Nakasimangot naman si Joy sa gastos, he he he.
Labels: 9 Volts Battery, Airsoft, Kulit
Tamad na talagang maglagay ng tala ang inyong lingkod na si Boy Dapa, he he he. Hindi po ako kandidato, hindi rin nangangampanya. Noong nakaraang Sabado (ika-31 ng Marso, 2007) ay dumalo ako sa Tigil Putukan: The 1st Batangas Alliance Fellowship Night. Masaya at makukulit ang mga mahilig magpaputok.
Noon namang ikalawa ng Abril ay nagtungo kami ng pamilya ko sa walang ka-kwenta kwentang World Lights Expo. Madilim na ang paligid ay marami pa ring ilaw ang patay (mga 70%). Walang kaganda ganda ang mga desenyo ng mga ilaw, mga kinortehang kahoy/papel na nilagyan lang ng iba-ibang ilaw. Yung kinopyang Hardk Rock Cafe na gitara, di hamak na mas maganda pa ang iginuhit ng anak ko. Marami talagang sablay! Mas magagaling pa ang mga kapwa natin Pinoy na gumagawa ng mga parol tuwing kapaskuhan.
Kahapon naman ay sinubukan ko ang soda can test para sa mga airsoft bengbeng. Eto ang resulta.
At kanina naman ay napadaan kami ng pamilya ko sa isang department store. Nakita ko sa Silverworks ang ginagong larawan ni Ernesto 'Che' Guevara.
Ang dami! Bukas ulit!Labels: Airsoft, Batangas Alliance, Che Guevara, Silverworks, Soda Can Test, Tigil Putukan, World Lights Expo
Eto po ang ilang larawan ni Boy Dapa sa isang gamesite.
Ayun ang kalaban!
Boy Dapa at ilang kasama sa Batangas Alliance
Naging biro ko nga sa mga kasama ko sa laro:
Noong high school tayo ayaw mag-CAT, noong college ayaw mag-ROTC. Pero ngayong mga nagka-edad na eh talaga namang pahirap sa initan makapaglaro lang, he he he.
Labels: Airsoft, BDU, Gamesite, Steyr AUG
|| nilaga ni qroon, 10:44 PM
|| link
|| (0) ang nakihigop |