Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Wednesday, May 23, 2007

Tsismoso

Opo, minsan ay tsismoso ang inyong lingkod na si Boy Dapa. Kung di naman tsismoso ay mahilig, mahilig makinig sa usapan ng mga nasa paligid. Kagaya ngayon, habang nakikigamit ako ng libreng wifi connection dito sa isang kapihan, ay nakikinig ako sa mga usapan ng nasa paligid ko. Mga nagkukwentuhan tungkol sa buhay. May nagtsi-tsismisan, at marami pa.

Wala lang siguro na makatas (juicy) na detalye. Wala akong maikwento sa inyo. Hindi ako kritiko ng mga tao ngayon. Masakit kasi ang ulo ko, pero tsismoso pa rin. Ok, di ako makatiis, puro reklamo sa buhay itong katabi ko!

Labels: , , ,

|| nilaga ni qroon, 9:08 PM

5 Ang nakihigop:

hehehe...

share ko lng...

minsan nakakainis mag internet sa labas... may tsismoso rin kasing mga bata nasa paligid ko na nakikibasa ng mga bagong msgs sa friendster... hehehe...
Anonymous Anonymous, at 11:10 PM  
typical na pinoy ka pala ha.. "USI" ehehe sa bagay ano, ang balita na ang lumalapit sa'yo mahirap hindi-an

hahaha ayan kase e, nakiki-usi affected ka tuloy! :))
Anonymous Anonymous, at 11:35 AM  
Natre, kaya sinisigurado ko na ako lang ang nakakikita ng screen ko. :) Baka makarma ako :D

Jamie, yep, eaves dropper ako. Pwede akong espiya :) Nagpapakadalubhasa naman ako ngayon sa mga balatkayo. :P
Blogger qroon, at 12:34 PM  
uy speaking of tsismoso, sabi daw mas tsismoso pa daw mga lalaki compared sa mga babae? parang totoo! si asawa ko kunwari walang alam pero ang tenga abot EDSA pag may mga tsismis daig pako.
Btw, ganda name ng baby mo, ako gusto ko din Sophia kaya pinangalan ko na lang dun sa isang doll na collection ko.
Blogger marie, at 6:01 PM  
teka sino tsismoso? kaw kamo? mukha nga, hehe.

baka talagang pinaririnig nila sayo, kasi naman bising busy ka sa kaka blog dyan sa libreng wifi
Blogger HiPnCooLMoMMa, at 12:07 AM  

Makihigop na!