Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Tuesday, February 22, 2005

Darts

Binigyan ako ni Joy ng isang set ng Dart pins. Mula ng dalahin ko ito sa opisina, ay eto na ang pinagkaka-abalahan namin tuwing tanghali at pagkatapos ng trabaho. Noong una ay ang pins ko ang pinakamaganda, pero pagkatapos ng isang linggo, ay nagbilihan na ng mga bagong pin ang mga kasama ko. Pin ko na ang low end. Eto yung pin ko.



At eto naman yung binili ng dalawa sa mga kasama ko.



Mas maganda ang construction at features ng sa kanila.
|| nilaga ni qroon, 10:42 AM || link || (0) ang nakihigop |

Wednesday, February 16, 2005

Kulangot Muli

Eto ang isang movie file tungkol sa kulangot. Enjoy!
|| nilaga ni qroon, 11:24 AM || link || (0) ang nakihigop |

Friday, February 11, 2005

Blank CDs, MRT at Sariwang Kulangot

May message akong natanggap sa Yahoo Messenger at Friendster billboard na kinumpiska daw daw sa MRT/LRT ang mga pirated CD/DVD. Idagdag pa na wala daw paraan ang mga nagsisiyasat na malaman kung pirated ang mga CD/DVD o pangkariwang data back up. Ngunit may naamoy akong malansa sa post, nakalagay kasi na VRB ang nangungumpiska ng CDs/DVDs, pero kamakailan lang ay napalitan na ng OMB ang VRB. Malamang ay isang hoax lang ito.

Nagkataon naman na bumili ako kahapon ng blank CDs sa isang tindahan sa Ayala MRT Station. Sumakay kami ng kasama ko sa MRT papuntang Ayala. Habang nasa MRT kami eh eto ang sinabi ko sa kasama ko:

"Pre, wag kang kumapit dyan sa railings, baka yung naunang humawak dyan eh nangulangot. Yucky yan! (tono na parang yung mga mommy na nakikipag-usap sa kanilang mga batang anak) Manimbang na lang tayo."

Sabay bitaw nya sa railings at tumawa na lang kami ng tumawa hanggang sa makarating sa Ayala. Kadiri ever! Fresh kulangot! Oo nga pala, walang OMB agents na nangungumpiska ng CDs/DVDs sa MRT.
|| nilaga ni qroon, 1:30 PM || link || (2) ang nakihigop |

Monday, February 07, 2005

Bakit Kapihan?

Bakit nga ba Kapihan ang pamagat ng weblog na ito? Gayong wala namang kinalaman sa mga paraan ng pagtatatanim o paglalaga ng kape ang mga nakasulat dito. Wala rin naman akong isinusulat tungkol sa isang café. Gaya ng nabanggit ko na dati, ang balak ko sa unang Kapihan ay paikutin ang kwento tungkol sa mga tauhan sa Kapihan ni Tasyo.

Ang isa ring dahilan kung bakit napili ko ang salitang Kapihan ay dahil sa taga-Batangas ako. Nakagisnan ko na ang pag-inom ng kape sa mga magulang ko at sa mga tao sa paligid namin. Mapamatanda o bata man ay humihigop ng kape, umaga, tanghali, hapon o gabi man. Kapag walang gulay, ay isinasabaw sa kanin ang kape, lalo na kapag prito o inihaw ang pangulam. Ang anak nga namin na dalawa't kalahating taong gulang pa lang ay humihigop na ng kape at nagsasabaw nito sa kanin!

Noong bata ako hanggang sa pumasok sa pamantasan ay may tanim na kape sa aming looban. Sabi ng matatanda sa amin ay yung ilan ay kapeng tagalog (o native) at ang ilan naman ay beureau, ang sapantaha ko eh galing sa pamahalaan ang ginamit na binhi sa pagtatanim ng pangalawang uri ng kape na nabanggit ko. Ngayong naghahanap-buhay na ako at may pamilya na eh nawala na ang puno ng kape sa aming bakuran, hindi ko na matandaan kung anong dahilan kung paanong nawala ito.

Naalala ko dati kung ano ang ginagawa sa kape bago mailagay sa mga tasa bago higupin. Pagkapitas ng mga hinog na bunga ng kape ay tatalupan ang mga ito at ibibilad hanggang sa matuyo. Matapos ang pagpapatuyo ay isasangag sa tulyasi (malaking kawali), inaabot ito ng maghapon o kaya naman ay naaayon sa nais na maging lasa. Matapos isangag sa babayuhin o kaya naman ay gigilingin. Kung nais na mas matapang ay mas pino ang giling at kung katamtaman naman ay malalaki ng kaunti ang mga butil. Kapag nagiling na ay maaari ng ilaga at ihain.

Sa ngayon ay hinahanap hanap ko ang lasa ng kape na dumaan sa paghahandang nasabi ko. Masarap din ang kape kung hahaluan ng tabliya, bilog na tsokolate na ang sangkap ay cacao. Magkahalintulad ang paghahanda ng kape at tabliya. Dito sa kalungsuran ay instant ang kapeng iniinom ko dahil wala naman akong pambili ng brewed coffee mula sa mga sikat na Kapihan.

Kapihan: Kape, kuro-kuro at kung anu-anong bagay.
|| nilaga ni qroon, 10:32 AM || link || (0) ang nakihigop |

Saturday, February 05, 2005

Gmail ulit

Nang tingnan ko ang ilan ko pang Gmail accounts ay napansin ko na may napadagdag pang invites. Kaya muli mga kababayan, kapatid, kaibigan, kaaway at kung anu-ano pang kaanuhan, ipinamimigay ng Kapihan ang 150+ Gmail invites!
|| nilaga ni qroon, 1:36 PM || link || (0) ang nakihigop |

Thursday, February 03, 2005

Handog ng Kapihan ....



Ayos 'to! 50 Gmail invites! At kagaya ng dati, hindi ko ito ipinagbibili. Kaya kung wala pa kayong Gmail account ay maari nyong sabihin sa comments section.
|| nilaga ni qroon, 2:10 PM || link || (2) ang nakihigop |

Tuesday, February 01, 2005

V



Ako at ang Unang Ginang ng Kapihan (Si President Han yata yung nasa likod namin).
|| nilaga ni qroon, 8:54 AM || link || (0) ang nakihigop |