Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Friday, February 23, 2007

Ituloy AngSulong

Yung nakatala sa baba (Taran at Tado) ay para dapat sa Ituloy AngSulong. Ngunit hindi na kami nagtala ng bago dahil mamayang gabi na ang Finals. Sana manalo kami. Sana ay may paligsahang SEO ulit. Ngunit manalo man o hindi, tuloy ang ligaya! Ituloy AngSulong!
|| nilaga ni qroon, 10:56 AM || link || (0) ang nakihigop |

Taran at Tado

May natutukan na naman ako para sa isang larawan. Salamat Tado!

Boy Dapa (Taran) at Tado

Labels: , ,

|| nilaga ni qroon, 10:39 AM || link || (1) ang nakihigop |

Friday, February 16, 2007

Putukang Walang Humpay

Alamin, basahin, pakinggan ang mga bagay-bagay tungkol sa Ituloy AngSulong Movement! Ang explosive finale ng grupo at ang huling putok!
|| nilaga ni qroon, 5:12 PM || link || (2) ang nakihigop |

Friday, February 09, 2007

Tanong

Nais kong sumulat, sumulat ng kwento.
Kwento ng buhay, kwento ng mga tao.
Ngunit paano?
Saan ako magsisimula?
Walang maisip na tagpo.

Nais kong sumulat, gumawa ng tula.
Yung malalim, yung may kwenta.
Nais kong humabi ng awit.
Madamdamin kahit may galit.
Oo, oo.
Lahat ng ito ay nais ko.

Nais kong umisip ng bago.
Hindi gasgas, hindi laspag.
Bago sa pandinig, bago sa panlasa.
Ngunit wala akong magawa.

Walang laman ang isip ko.
Saan nga ba?
Saan ko huhugutin, mga salitang gagamitin?

O lakambini ng sining nasaan ka?
Ikaw ba ay tumakas, kasama ng aking mga salita?

Nais ko ring gumuhit, lumikha ng larawan.
Malikhain, madamdamin.
Nais kong lumilok, buhayin ang kahoy.
Salitang di naisulat, sa mga kulay daanin.

Ah, alin ang aking uunahin?
Wala, walang masimulan.
|| nilaga ni qroon, 9:31 AM || link || (5) ang nakihigop |

Thursday, February 01, 2007

VII


 
|| nilaga ni qroon, 4:20 PM || link || (1) ang nakihigop |