Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Monday, August 28, 2006

Ang Pagbabalik Ni Biyabit

May charger na ulit si Biyabit. Smart BROke na lang ang kailangang ayusin!
|| nilaga ni qroon, 10:29 AM || link || (4) ang nakihigop |

Tuesday, August 22, 2006

Bagong Post (Wala)

Bakit nga ba wala akong bagong post? Una, naging abala kami noong bakasyon. Pangalawa, naiwanan ko sa Batangas ang charger ni Biyabit. Pangatlo, mag-iisang linggo na akong walang internet connection (Smart BROke) sa bahay. Pang-apat, ang workstation ko sa opisina ay ginawang emergency server. Kaya eto pa lang ang updates ko.
|| nilaga ni qroon, 1:21 PM || link || (3) ang nakihigop |

Sunday, August 06, 2006

Bakit Nga Ba?

Hindi alam kung bakit napaluha ako ng mabasa ko ito.
|| nilaga ni qroon, 3:41 PM || link || (3) ang nakihigop |

Saturday, August 05, 2006

Hindi Dapat Ganito

Walang magawa at nababagot
Nakatingin sa kisameng madumi
Nag-iisip, tinatalo ng lungkot
Ah, hindi dapat ganito

Musikang dapat ay masaya
Pilit ang mga halakhak
Basa, guhit at kumatha
Ah, hindi dapat ganito

Nakatanaw sa kawalan
Buntong hiningang malalim
Nasa malayo ang isipan
Ah, hindi dapat ganito

Bakit? Ano? Paano?

Ah, hindi dapat ganito!
|| nilaga ni qroon, 11:56 PM || link || (4) ang nakihigop |

Noon at Ngayon

Payat pa kami noon ....


... Mataba na kami ngayon :)
|| nilaga ni qroon, 10:19 PM || link || (8) ang nakihigop |

Bagong Post

Sabi ni TK, mag-post daw ako ng bagong entry. Abala ako ngayong mga nakaraang araw (install ng bagong mail at proxy server). Isa pa, nag-iisip akong gumawa ng template para sa talaarawan na ito, ngunit sa tuwing gagawa na ako ay may ibang bagay akong maiisip o gagawin.

Kaya sa ngayon ay eto pa rin ang hitsura ng talaarawan na ito. May ilang konsepto akong naiisip ngunit tinatamad pa rin. :)
|| nilaga ni qroon, 9:27 PM || link || (2) ang nakihigop |