Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Saturday, April 07, 2007

Bago sa Kapihan

Tamad na talagang maglagay ng tala ang inyong lingkod na si Boy Dapa, he he he. Hindi po ako kandidato, hindi rin nangangampanya. Noong nakaraang Sabado (ika-31 ng Marso, 2007) ay dumalo ako sa Tigil Putukan: The 1st Batangas Alliance Fellowship Night. Masaya at makukulit ang mga mahilig magpaputok.


Noon namang ikalawa ng Abril ay nagtungo kami ng pamilya ko sa walang ka-kwenta kwentang World Lights Expo. Madilim na ang paligid ay marami pa ring ilaw ang patay (mga 70%). Walang kaganda ganda ang mga desenyo ng mga ilaw, mga kinortehang kahoy/papel na nilagyan lang ng iba-ibang ilaw. Yung kinopyang Hardk Rock Cafe na gitara, di hamak na mas maganda pa ang iginuhit ng anak ko. Marami talagang sablay! Mas magagaling pa ang mga kapwa natin Pinoy na gumagawa ng mga parol tuwing kapaskuhan.


Kahapon naman ay sinubukan ko ang soda can test para sa mga airsoft bengbeng. Eto ang resulta.


At kanina naman ay napadaan kami ng pamilya ko sa isang department store. Nakita ko sa Silverworks ang ginagong larawan ni Ernesto 'Che' Guevara.

Ang dami! Bukas ulit!

Labels: , , , , , ,

|| nilaga ni qroon, 8:37 PM

0 Ang nakihigop:

Makihigop na!