Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Monday, April 23, 2007

Dakilang Lumpo

Noong isang gabi ay galing kami ni Joy sa Plaza Mabini. Lakad-lakad para magutom ulit, he he he. Tambay at kwentuhan. Marami-rami rin ang tao sa plaza, may mga talubata (teenagers), matatanda, magtitinda, mga bata at kung sinu-sino pa. May narinig kaming isang lalaki na animo'y nagtatalumpati sa harap ng mga kasama nya (na sabi ni Joy eh mga pa-sosyal daw).

Ano ba yang Sublime Paralytic, yung paralytic, eh paralitiko. Sige nga (nakatingin sa mga kasamahan), i-translate nyo nga yan kung magaling kayo.

Nakaupo na sya sa malayo, ay yun pa rin ang paksa nya. Hindi nakatiis ang inyong lingkod na si Boy Dapa.

Dakila po yung sublime, Dakilang Lumpo si Apolinario Mabini.

Hindi ga great yung dakila? Tanong sa akin ng isa. Dakila rin yung sublime, at yun ang itinuro noong elementary sa Kasaysayan at Araling Panlipunan.

Ano bang gusto kong palabasin? Wala naman. Wala lang akong maisulat na bago. Hindi ba't kung hindi natin alam ang kasaysayan ay mahihirapan tayong harapin ang kasalukuyan at kinabukasan?

Labels: , , ,

|| nilaga ni qroon, 6:39 PM

2 Ang nakihigop:

eh mga utak biya naman yung mga yun. kala mo kung sinong pakalog kalog pa ng susi ng sasakyan niya. mga dumb dumb naman. kakahiya ipinaririnig pa sa ibang nakaupo sa plaza! :D
Anonymous Anonymous, at 7:26 PM  
Ang puso mo inay! :) No comment ako sa comment mo.
Blogger qroon, at 7:31 PM  

Makihigop na!