Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.
Tuesday, April 24, 2007
Lumang Awitin
Noong sabado habang pauwi kami nila Boy Popoy at Boy Gapang, ay bukas ang radyo sa aming sinasakyan. Asar na asar kami dahil bawat himpilan ng radyo ay halos 70% ng mga awit ay revival/recycled/refurbished. Wala na bang maisip na bago ang mga kompositor? Wala na bang mga bagong banda o mangaawit na makuha ang mga recording company?
Mula ng maglabas ng album na tribute (ba talaga?) sa Eraserheads at APO, ay nagsulputan na ang mga nabanggit kong mga awit. Sa una ay nakatutuwa pa, habang tumatagal ay nakaaasar na. Akala ko dati ay umangat na kalidad ng kalagayang pangmusika dito sa atin. Noong maraming banda at mangaawit na marunong ding lumikha ng sariling kanta. Hindi pa pala.
Paulit-ulit lang, kung ano ang uso ay syang susundan. Paikot-ikot lang, kung ano ang kalakaran ay syang yayakapin.
Labels: Lumang Awitin
|| nilaga ni qroon, 12:12 PM