Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Wednesday, May 02, 2007

Boy: Ang Kwento Sa Likod Ng Mga Pangalan

Maraming nagtatanong kung bakit Boy ang tawagan namin. Si Penoycentral (Boy Popoy), si Marhgil (Boy Gapang) at ako ay Boy Dapa. Magkakakilala talaga kami ng personal, iisang kolehiyo/unibersidad ang pinasukan, at iisang bayan. Yung bansag na Boy Popoy, ay ang tawagan namin ni Penoy.

Nalaman kasi naming Boy Popoy ang tawag sa kanya ng dati nyang kaopisina. At Boy Popoy din ang tawag sa akin ng isang manong guard sa dati kong pinagta-trabahuhan. Dumating ang punto na dalawa kaming Boy Popoy, dapat may ibang bansag. Kaya kinuha ko ang Boy Dapa. Si Ogie Alcasid ang unang Boy Dapa, ginamit sa Tropang Trumpo at Bubble Gang.

Noong magkaroon ng Ituloy AngSulong SEO contest, nabuo ang salitang Boy Gapang. Magaling kasing manggapang si Marhgil, manggapang ng links. Kaya yan ang kwento ng Boy. Sya nga pala, may isa kaming kasama sa bahay, sya naman si Boy Bakat. Palagi kasing masikip ang mga suot na damit.

Labels: , , , ,

|| nilaga ni qroon, 9:52 AM

4 Ang nakihigop:

ahhhhhh..... kaya pala.
Blogger marie, at 9:53 PM  
hahaha kaloka naman yan.
Anonymous Anonymous, at 11:12 PM  
hmm.. pwede rin kaya yung girl instead of boy ? :) girl kati for instance. wahehehe
Anonymous Anonymous, at 11:13 PM  
Marie, di ko ma-publish ang iba pang kwento.

amgine, mga loko talaga kami.

fionixe, ayos na suggestion ah! hhhhmm.... hanap kami ng katropang babae :D
Blogger qroon, at 1:49 PM  

Makihigop na!