Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Tuesday, May 29, 2007

Boy Kulit

Nangunguna rin sa kakulitan ang inyong lingkod na si Boy Dapa. Noong bata ako eh itinali ko sa may dingding ang kalaro ko. Sinturon ang ginamit ko. Sabi nya kasi, Pascow ang apelyido nya. Kaya itinali ko, parang cow :D Yun pala eh Pascual.

Ang anak ko, itinatali rin ang Inay nya. Ililigtas daw nya sa mga kalaban. Lumalabas talaga ang lahi ng makukulit. Hhhhmmmm... Kailan kaya didilaan ni Ineng ang 9 Volts battery na kagaya ng ginawa ko noong bata pa ako?

Naging makulit na ulit ako ngayon, lalo na sa airsoft. Halos isang buwan kasi akong di nakalaro. Ayun, noong Sabado, nag-ayos ulit ng baril at rumatrat noong Linggo. May ngiti ako sa mga labi. Nakasimangot naman si Joy sa gastos, he he he.

Labels: , ,

|| nilaga ni qroon, 9:44 PM || link || (7) ang nakihigop |

Thursday, May 24, 2007

QrooniX

May isa pa akong talaarawan, ang QrooniX. Dito ay ingles ang ginagamit ko. Ang nilalaman ng QrooniX ay tungkol sa sari-saring teknolohiya, komiks at iba pang bagay. Kung may panahon kayo, pakipuntahan na lang:

QrooniX

Labels: ,

|| nilaga ni qroon, 12:38 PM || link || (0) ang nakihigop |

Wednesday, May 23, 2007

Tsismoso

Opo, minsan ay tsismoso ang inyong lingkod na si Boy Dapa. Kung di naman tsismoso ay mahilig, mahilig makinig sa usapan ng mga nasa paligid. Kagaya ngayon, habang nakikigamit ako ng libreng wifi connection dito sa isang kapihan, ay nakikinig ako sa mga usapan ng nasa paligid ko. Mga nagkukwentuhan tungkol sa buhay. May nagtsi-tsismisan, at marami pa.

Wala lang siguro na makatas (juicy) na detalye. Wala akong maikwento sa inyo. Hindi ako kritiko ng mga tao ngayon. Masakit kasi ang ulo ko, pero tsismoso pa rin. Ok, di ako makatiis, puro reklamo sa buhay itong katabi ko!

Labels: , , ,

|| nilaga ni qroon, 9:08 PM || link || (5) ang nakihigop |

Monday, May 14, 2007

Halalan, Kahirapan, Hangalan

Nakaboto na kami ni Joy kanina. Magkaiba kami ng mga ibinoto sa mga lokal na kandidato. Hindi nya isinulat yung mga maiingay at nakabubulahaw ang campaign jingles. Ako naman ay pulitikal na dahilan. Meron din kaming mga blangko. Bakit? Wala kasi kaming mapili. Ayaw naman namin ng lesser evil.

Sa loob ng presinto, merong mga poll watcher. Ang siste nito, nagbubulong ng mga kandidato nila! Tsk! Lalo naming hindi ibinoto ang mga ikinakampanya nila. Isa lang ang maibubunyag kong ibinoto namin, ang partylist na AKAPIN. Bakit? Dahil sila ang ilan sa mga tunay na nangangailangan ng kinatawan sa kongreso, ang mga may kapansanan.

Kanina rin ay napanood namin sa telebisyon ang panayam sa isang kongresista at isang senador. Ayon sa kanila ay panahon na upang magkaroon ng mas mataas na pamantayan upang makakandidato. Kailangang nakapagtapos ng kolehiyo dahil sabi nga, kung ang mga pulis ay kailangang tapos ng pag-aaral ay bakit nga naman hindi rin gawin ito sa presidente at iba pa.

Ayon din sa kongresista, ay bumababa ang kalidad ng mga debate sa mababang kapulungan ng kongreso. Ganun din naman, ayon sa senador, kailangang malalim ang alam ng isang kandidato tungkol sa mga batas at lehislatura. Ano nga naman daw ang magagawa ng isang artista, boksingero at kung sinu-sino pa.

Sa unang pakinig, ay mapaniniwala kang ito nga ang katugunan upang gumanda ang pamamalakad at paggagawa ng batas. Ngunit kung iisipin natin, ay hindi ito ang solusyon sa mga suliranin. Lilikha lamang ito ng gulo at maaaring samantalahin ng ilan upang makakuha ng simpatya sa nakararami.

Edukasyon pa rin. Sa isang bayan o pamayanang marami ang nakapag-aral ng tama ay hindi na kailangang higpitan ang pamantayan sa pagkandidato.

Labels: , ,

|| nilaga ni qroon, 1:38 PM || link || (4) ang nakihigop |

Saturday, May 05, 2007

Unang Ginang Ng Kapihan

Maligayang Kaarawan ng Pagsilang sa unang ginang ng Kapihan!

Labels: ,

|| nilaga ni qroon, 12:00 AM || link || (4) ang nakihigop |

Wednesday, May 02, 2007

Boy: Ang Kwento Sa Likod Ng Mga Pangalan

Maraming nagtatanong kung bakit Boy ang tawagan namin. Si Penoycentral (Boy Popoy), si Marhgil (Boy Gapang) at ako ay Boy Dapa. Magkakakilala talaga kami ng personal, iisang kolehiyo/unibersidad ang pinasukan, at iisang bayan. Yung bansag na Boy Popoy, ay ang tawagan namin ni Penoy.

Nalaman kasi naming Boy Popoy ang tawag sa kanya ng dati nyang kaopisina. At Boy Popoy din ang tawag sa akin ng isang manong guard sa dati kong pinagta-trabahuhan. Dumating ang punto na dalawa kaming Boy Popoy, dapat may ibang bansag. Kaya kinuha ko ang Boy Dapa. Si Ogie Alcasid ang unang Boy Dapa, ginamit sa Tropang Trumpo at Bubble Gang.

Noong magkaroon ng Ituloy AngSulong SEO contest, nabuo ang salitang Boy Gapang. Magaling kasing manggapang si Marhgil, manggapang ng links. Kaya yan ang kwento ng Boy. Sya nga pala, may isa kaming kasama sa bahay, sya naman si Boy Bakat. Palagi kasing masikip ang mga suot na damit.

Labels: , , , ,

|| nilaga ni qroon, 9:52 AM || link || (4) ang nakihigop |