Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Wednesday, September 23, 2009

Palabas

Bihira na akong manood ng mga palabas sa lokal na telebisyon Bihira na akong manood ng telebisyon. Bakit? Una ay napakahuling ipalabas dito ang mga gusto ko (30 Rock, How I Met Your Mother, The Big Bang Theory, Heroes, etc.). Huli ng isang buong season! Ang mga balita ay hinahaluan ng kung anu-anong gimmick. Kaya mas gusto ko pang magbasa ng balita sa Internet.

Hinahanap-hanap ko ang dating estilo ng lokal na telebisyon. Sa ala-sais ng gabi ang balita, may sitcom araw-araw at isa o dalawa lang ang soap opera. At mga alas-dyes naman ang sunod na balita. Bakit di na lang ako manood ng ibang himpalan sa cable? Nakatatamad nga dahil kalimitan ay re-run ang mga palabas.

Ayaw ko ng magkomento tungkol sa kalidad ng mga lokal na palabas. Marami lang ang magagalit. Sugudin pa ako dito ng mga ka(ipasok dito kung alin ang kinaaniban o sinasambang network). Oo nga pala, yung mga Live daw na palabas ay hindi naman Live! Napakahuli, mabuti pa ang streaming sa Internet! Mayroon pa naman paboritong panuorin, ang mga patalastas na maganda ang pagkakagawa!

Mabuti na lang at may ibang pwedeng pagkaabalahan gaya ng pagbabasa ng mga aklat at komiks. Maari ring makinig at tumugtog ng musika. Maglaro ng darts at iba pa.

* * * * *

To Star World, JackTV and others, please show the latest season! We can tolerate a day to a week delay. But a whole season late? Unacceptable!

Labels: ,

|| nilaga ni qroon, 2:43 PM

0 Ang nakihigop:

Makihigop na!