Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Friday, December 21, 2007

The Romy Diaz Project

Naging abala ang inyong lingkod na Boy Dapa sa pagtugtog ngayong mga nakaraang araw. Para kasi sa Christmas party ng opisina. Kasama ko si Boy Popoy at ang pinsan nyang si Boy Bakat. Wala nga lang sa mga larawan dito si Boy Bakat.

Anong tugtugan namin? Lahat ay mga cover, halu-halo na. May New Wave, alternative rock at reggae. The Romy Diaz Project ang ipinaganalan namin sa banda namin. Bakit? Ah, basta! Syang tunay! Manalig ka!

The Romy Diaz ProjectThe Romy Diaz Project: Boy Dapa, Mike, Boy Popoy at Marvin

Boy DapaBoy Dapa

Boy DapaBoy Dapa

Kapag sinipag kami, ay tuluy-tuloy na ang pagtugtog. Baka sakaling makapagsulat ng mga kanta.

Labels: , , ,

|| nilaga ni qroon, 11:12 PM || link || (4) ang nakihigop |

Wednesday, May 02, 2007

Boy: Ang Kwento Sa Likod Ng Mga Pangalan

Maraming nagtatanong kung bakit Boy ang tawagan namin. Si Penoycentral (Boy Popoy), si Marhgil (Boy Gapang) at ako ay Boy Dapa. Magkakakilala talaga kami ng personal, iisang kolehiyo/unibersidad ang pinasukan, at iisang bayan. Yung bansag na Boy Popoy, ay ang tawagan namin ni Penoy.

Nalaman kasi naming Boy Popoy ang tawag sa kanya ng dati nyang kaopisina. At Boy Popoy din ang tawag sa akin ng isang manong guard sa dati kong pinagta-trabahuhan. Dumating ang punto na dalawa kaming Boy Popoy, dapat may ibang bansag. Kaya kinuha ko ang Boy Dapa. Si Ogie Alcasid ang unang Boy Dapa, ginamit sa Tropang Trumpo at Bubble Gang.

Noong magkaroon ng Ituloy AngSulong SEO contest, nabuo ang salitang Boy Gapang. Magaling kasing manggapang si Marhgil, manggapang ng links. Kaya yan ang kwento ng Boy. Sya nga pala, may isa kaming kasama sa bahay, sya naman si Boy Bakat. Palagi kasing masikip ang mga suot na damit.

Labels: , , , ,

|| nilaga ni qroon, 9:52 AM || link || (4) ang nakihigop |