|| nilaga ni qroon, 10:16 PM
|| link
|| (1) ang nakihigop |
Tagahanga ako ng mga Logo ng Google. Tagahanga rin ako ni Ninoy Aquino. Kaya naisipan kong gumawa ng mga logo na nasa ibaba.The GIMP at Inkscape ang ginamit ko para magawa ang mga ito. Ang font naman na ginamit ko ay Catull.Labels: Google logo, Inkscape, Ninoy Aquino, The GIMP
Sa mga pahayag na mababasa at mapapakinig natin sa mga balita ay parang napakamasalimuot ng usapin tungkol pagkakagad ng National Artist Award kay Ginoong Carlo J. Caparas (CJC). Umabot pa na pararatingin sa Korte Suprema ang usapin. Ginamit pa ang walang kamatayang mahirap laban sa mayaman.Ngunit kung lilimiin natin, ay makikitang payak lang ito. Walang kinalaman ang mahirap laban sa mayaman. Hindi rin ito usapin kung magaling o hinding gumuhit si CJ.C. Ito ay kung akma ba sa kategorya (Visual Arts and Film) ang gawad kay CJC. At kung dumaan sa proseso (peer review) ang nominasyon sa kanya.Si CJC nga ang lumikha ng mga komiks na kagaya ng Panday at iba pa. Ngunit sya ba ang gumuhit nito? Hindi. Kung ihahalintulad mo ito sa isang kompositor at mangaawit, gagawaran mo ba ng Best Singer Award ang lumikha ng awit? O ang gagawaran ng parangal ay ang umawit? Sa larangan naman ng Pelikula (Film), sa tingin nyo ba ay ang mga massacre na pelikula ni CJC ay magandang kumatawan sa Pelikulang Pilipino?Huwag naman sanang gamitin pa ang paksang mahirap laban sa mayaman. Ito ay hindi makatutulong para malutas ang usapin. Ayon sa mga pahayag, maraming naitulong sa pamayanan si CJC. Ngunit hindi usapin kung marami syang natulungan o wala. Ang pag-usapan ay kung naayon ba sa pamantayan ng pagpili ng National Artist Award ang pagkakapili kay CJC.------Ang larawan sa itaas ay nilikha ni Macoy. Labels: Komiks, National Artist Award, Pelikula, Pulitika
|| nilaga ni qroon, 10:34 PM
|| link
|| (0) ang nakihigop |
Ang larawan sa itaas ay iginuhit ni Ineng (7 taong gulang). Marahil ay dala na rin ng napapanuod nya sa telebisyon, naririnig sa radyo at nakikita sa Internet. Ang mga pamamaalam at pagbibigay pugay sa namayapang Pangulong Corazon C. Aquino.Siyam na taong gulang pa lamang ako nang maging pangulo si Cory Aquino. Naalala ko noon na nakatutok sa radyo ang aking mga magulang at naghihintay sa bawat pangyayari. Sa kanyang panunungkulan ko nalaman ang ibig sabihin ng salitang coup d'état. At sa aking pagbabalik tanaw at pagkukumpara, ay napagwari ko ang tunay na ibig sabihin ng salitang palabra de honor.Paalam at salamat Pangulong Corazon C. Aquino!Labels: Corazon C. Aquino, Pilipinas, Pulitika
Eto ang magandang pang-asar sa isang pagtitipon ng PETA
Labels: KFC, PETA
Ang paksa ng tala kong ito ay walang kinalaman kung maganda o pangit ang pelikulang Kinatay. Hindi ko pa ito napapanood kaya wala akong masasabi tungkol sa pelikulang ito. Ginawa ko ang talang ito dahil sa aking pagbabasa, ay nakita ko ang isang artikulo na sinulat ni Ginoong Roger Ebert. Ito ay tungkol sa pelikula ni Brillante Mendoza na Kinatay. Matatagpuan ang artikulo dito.Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa mga komento ng mga kababayan nating Filipino. Ito yung kalimitan kong nababasa na akala mo ay inapi ang bayan ng Pilipinas kapag mayroong di magandang nasabi tungkol sa isang Filipino. Sa usaping ito, ay isang pelikula. Hindi naging paborable ang artikulo tungkol Kinatay. Ngunit ito ay sa teknikal na pananaw ng isang tao. Hindi nangangahulugan na inaapi ang Pilipinas!Marahil nga ay likas na balat-sibuyas ang karamihan sa atin. Kung bakit, ay hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit nagiging personal ang pagtanggap sa mga kritisismo. Marami na rin akong nabasa na pinagbibintangang may utak talangka ang mga taong pumupuna sa sikat na kapwa Pilipino.Hindi nga siguro sapat ang isang tala para talakayin ang tungkol sa akusahang crab mentality at colonial mentality. Magandang paksa ang mga nabanggit. Kapag hindi ako tinatamad ay magsusulat ako tungkol dito.Oo nga pala, mayroon bang makapagtuturo sa akin kung saan makabibili ng kopya ng pelikulang Kinatay?Labels: Filipino, Pelikula, Pilipinas