Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Saturday, August 01, 2009

Katayan

Ang paksa ng tala kong ito ay walang kinalaman kung maganda o pangit ang pelikulang Kinatay. Hindi ko pa ito napapanood kaya wala akong masasabi tungkol sa pelikulang ito. Ginawa ko ang talang ito dahil sa aking pagbabasa, ay nakita ko ang isang artikulo na sinulat ni Ginoong Roger Ebert. Ito ay tungkol sa pelikula ni Brillante Mendoza na Kinatay. Matatagpuan ang artikulo dito.

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa mga komento ng mga kababayan nating Filipino. Ito yung kalimitan kong nababasa na akala mo ay inapi ang bayan ng Pilipinas kapag mayroong di magandang nasabi tungkol sa isang Filipino. Sa usaping ito, ay isang pelikula. Hindi naging paborable ang artikulo tungkol Kinatay. Ngunit ito ay sa teknikal na pananaw ng isang tao. Hindi nangangahulugan na inaapi ang Pilipinas!

Marahil nga ay likas na balat-sibuyas ang karamihan sa atin. Kung bakit, ay hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit nagiging personal ang pagtanggap sa mga kritisismo. Marami na rin akong nabasa na pinagbibintangang may utak talangka ang mga taong pumupuna sa sikat na kapwa Pilipino.

Hindi nga siguro sapat ang isang tala para talakayin ang tungkol sa akusahang crab mentality at colonial mentality. Magandang paksa ang mga nabanggit. Kapag hindi ako tinatamad ay magsusulat ako tungkol dito.

Oo nga pala, mayroon bang makapagtuturo sa akin kung saan makabibili ng kopya ng pelikulang Kinatay?

Labels: , ,

|| nilaga ni qroon, 7:57 PM

0 Ang nakihigop:

Makihigop na!