Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Sunday, August 23, 2009

Cosplay Sa SM Batangas

Kahapon ay napadaan ako sa SM Batangas City, may cosplay na pakulo ng isang telco. Nasa baba ang ilang mga larawan.








Labels: , , ,

|| nilaga ni qroon, 10:16 PM || link || (1) ang nakihigop |

Thursday, July 09, 2009

Anong Bago Sa Kapihan?

Sa larangan ng teknolohiya at musika, masaya akong ibalita na nagagamit ko sa Fedora Linux ang aking Zoom B2.1u bass effects (pakitingnan na lang ang detalye sa QrooniX). Hindi muna ako tumutugtog ngayon sa bars sa Manila dahil sa takot sa Influenza A(H1N1). Paumanhin sa aking mga kabanda (BlissBuds). May ilan naman akong naisulat na kanta na magagamit natin sa mga susunod na buwan.

* * * * *

Sa mga pelikula naman, nakapanood kami ni misis ng Transformers: Revenge of the Fallen. Gumising kami ng maaga (a las diez pa lang umaga ay nasa SM na) para maunang makapanood noong unang araw ng palabas at para na rin kakaunti pa ang naunood (takot pa rin sa H1N1!). Nakailang Bumblebee na rin kaming nabili ni misis. Habang nagbabasa naman kami ngayon ng mga review ng mga pelikulang nasa-DVD na. Baka may maimumungkahi kayo dyan.

* * * * *

Simula ng pagbabalik ng mga estudyante sa mga paaralan ay may may isang issue na gusto kong punahin; Ang pagbibigay ng instant noodles sa mga mag-aaral! Bakit hindi ibalik yung pamamahagi ng bulgur? Ibalik na rin ang nutribun!

Labels: , , , ,

|| nilaga ni qroon, 12:27 AM || link || (3) ang nakihigop |

Sunday, July 15, 2007

Transformers Na Naman

Eto naman yung Titanium Series na Optimus Prime na naka-base sa Movie (2007). Meron din na kasama yung Generation 1. Kayo na ang bahalang humusga kung alin ang mas maganda.







Bakit wala pa yung ibang larawan? Nasa camera pa ni Boy Bakat ang Robo Vision Optimus Prime. Hindi ko pa nakukuhanan yung Bumblebee Classic Camaro (Deluxe, Japan Release) at yung Autobot Jazz Pontiac Solstice (Deluxe, US Release).

Labels: , ,

|| nilaga ni qroon, 9:49 PM || link || (0) ang nakihigop |

Saturday, July 14, 2007

Transformers Pa Rin

Ito ang isang video na matutuwa ang lahat :)


Labels: ,

|| nilaga ni qroon, 2:44 PM || link || (0) ang nakihigop |

Saturday, July 07, 2007

Transformers



Ang mga larawan ng laruang nasa itaas ay first generation design ng Transformers (Titanium Series). Mas nagagandahan ako dito kaysa dun sa Robo Vision na Oprimus Prime. Ayos naman yung bagong disenyo ng Transformers sa bagong pelikula. Ngunit ang pagkakagawa ng mga laruan ay hindi. Laruan talaga, hindi collectible.

Sa isang araw ay ilalagay ko rin dito yung larawan ng Optimus Prime Robo Vision. At pati na rin yung Titanium Series na naka-base sa bagong pelikula. Oo nga pala, nailagay ko na dati yung isa pang larawan ng First Generation Optimus Prime.

Labels: , , ,

|| nilaga ni qroon, 11:12 PM || link || (0) ang nakihigop |