Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Tuesday, August 11, 2009

Pambansang Alagad Ng Sining

Sa mga pahayag na mababasa at mapapakinig natin sa mga balita ay parang napakamasalimuot ng usapin tungkol pagkakagad ng National Artist Award kay Ginoong Carlo J. Caparas (CJC). Umabot pa na pararatingin sa Korte Suprema ang usapin. Ginamit pa ang walang kamatayang mahirap laban sa mayaman.

Ngunit kung lilimiin natin, ay makikitang payak lang ito. Walang kinalaman ang mahirap laban sa mayaman. Hindi rin ito usapin kung magaling o hinding gumuhit si CJ.C. Ito ay kung akma ba sa kategorya (Visual Arts and Film) ang gawad kay CJC. At kung dumaan sa proseso (peer review) ang nominasyon sa kanya.

Si CJC nga ang lumikha ng mga komiks na kagaya ng Panday at iba pa. Ngunit sya ba ang gumuhit nito? Hindi. Kung ihahalintulad mo ito sa isang kompositor at mangaawit, gagawaran mo ba ng Best Singer Award ang lumikha ng awit? O ang gagawaran ng parangal ay ang umawit? Sa larangan naman ng Pelikula (Film), sa tingin nyo ba ay ang mga massacre na pelikula ni CJC ay magandang kumatawan sa Pelikulang Pilipino?

Huwag naman sanang gamitin pa ang paksang mahirap laban sa mayaman. Ito ay hindi makatutulong para malutas ang usapin. Ayon sa mga pahayag, maraming naitulong sa pamayanan si CJC. Ngunit hindi usapin kung marami syang natulungan o wala. Ang pag-usapan ay kung naayon ba sa pamantayan ng pagpili ng National Artist Award ang pagkakapili kay CJC.

------

Ang larawan sa itaas ay nilikha ni Macoy.

Labels: , , ,

|| nilaga ni qroon, 10:34 PM

0 Ang nakihigop:

Makihigop na!