Dumalo kami ni Boy Gapang sa isang pagtitipon ng mga blogger. Si AnnaManila ang nagsaayos ng EB sa UP-ISSI. Nandoon na si Nao at ang Racomas. Dumating din sina Erlyn, Marie, Girlie, Jamie, Eroica at iba pa (paumanhin sa mga di ko nabanggit).
Kantahan at salu-salo. Kwentuhang walang humpay. At kuha ng mga larawan. Uminom pa ng konti sa Baywalk. Alas tres na kami umalis ni Boy Gapang. Naiwan pa sina Nao at mga kasama para magsayawan! Narito ang ilang larawan.Ba, Girlie, Marie, Dine, Boy Dapa, Nao, Jamie, Myrna, Boy Gapang, Erlyn at Eroica Boy Gapang, Erlyn, Eroica, Jamie at Nao Nao at Boy Gapang Nais nilang mapalagay sa pabalat ng FHM (Nao at Jamie) Labels: Baywalk, EB, Pagtitipon
Babala: Ito ay hindi naaangkop sa mga bata.
5:25 ng umaga sa isang waiting shed sa panulukan ng highway at callejon. Hinihintay ni Boy Popoy (BP) ang kanyang kabarkada. Papunta sya sa isang field trip. May isang lolo (L) na sa wari ni BP ay may hinihintay rin. Maya-maya ay lumapit si L kay BP.
L: Bata, anong oras na?
BP: 5:30 po.
L: Salamat.
Tik tak, tik tak, wala pa ang kaibigan ni BP. Ganoon din si L, mukhang naiinip na. Tik tak, tiktak. Lumapit muli si L kay BP.
L (hawak ang sandata nya): Pwede ko ga areng ikiskis sa iyo? Babayaran kita! Tigas na tigas na eh!
BP: Nakow! Hindi po pwede!
Labels: Boy Popoy, Karanasan, Kiskis
|| nilaga ni qroon, 12:12 PM
|| link
|| (0) ang nakihigop |
Noong isang gabi ay galing kami ni Joy sa Plaza Mabini. Lakad-lakad para magutom ulit, he he he. Tambay at kwentuhan. Marami-rami rin ang tao sa plaza, may mga talubata (teenagers), matatanda, magtitinda, mga bata at kung sinu-sino pa. May narinig kaming isang lalaki na animo'y nagtatalumpati sa harap ng mga kasama nya (na sabi ni Joy eh mga pa-sosyal daw).
Ano ba yang Sublime Paralytic, yung paralytic, eh paralitiko. Sige nga (nakatingin sa mga kasamahan), i-translate nyo nga yan kung magaling kayo.
Nakaupo na sya sa malayo, ay yun pa rin ang paksa nya. Hindi nakatiis ang inyong lingkod na si Boy Dapa.
Dakila po yung sublime, Dakilang Lumpo si Apolinario Mabini.
Hindi ga great yung dakila? Tanong sa akin ng isa. Dakila rin yung sublime, at yun ang itinuro noong elementary sa Kasaysayan at Araling Panlipunan.
Ano bang gusto kong palabasin? Wala naman. Wala lang akong maisulat na bago. Hindi ba't kung hindi natin alam ang kasaysayan ay mahihirapan tayong harapin ang kasalukuyan at kinabukasan?
Labels: Apolinario Mabini, Dakilang Lumpo, Plaza Mabini, Sublime Paralytic
Tamad na talagang maglagay ng tala ang inyong lingkod na si Boy Dapa, he he he. Hindi po ako kandidato, hindi rin nangangampanya. Noong nakaraang Sabado (ika-31 ng Marso, 2007) ay dumalo ako sa Tigil Putukan: The 1st Batangas Alliance Fellowship Night. Masaya at makukulit ang mga mahilig magpaputok.
Noon namang ikalawa ng Abril ay nagtungo kami ng pamilya ko sa walang ka-kwenta kwentang World Lights Expo. Madilim na ang paligid ay marami pa ring ilaw ang patay (mga 70%). Walang kaganda ganda ang mga desenyo ng mga ilaw, mga kinortehang kahoy/papel na nilagyan lang ng iba-ibang ilaw. Yung kinopyang Hardk Rock Cafe na gitara, di hamak na mas maganda pa ang iginuhit ng anak ko. Marami talagang sablay! Mas magagaling pa ang mga kapwa natin Pinoy na gumagawa ng mga parol tuwing kapaskuhan.
Kahapon naman ay sinubukan ko ang soda can test para sa mga airsoft bengbeng. Eto ang resulta.
At kanina naman ay napadaan kami ng pamilya ko sa isang department store. Nakita ko sa Silverworks ang ginagong larawan ni Ernesto 'Che' Guevara.
Ang dami! Bukas ulit!Labels: Airsoft, Batangas Alliance, Che Guevara, Silverworks, Soda Can Test, Tigil Putukan, World Lights Expo