Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Thursday, June 29, 2006

Superman Returns



Napanuod namin kanina ni Joy ang Superman Returns. May pa-ingles ingles pang nalalaman yung mga katabi ni Joy. Hindi daw nagtatagalog, pero nung makita si Superman eh... Bigla nilang nasambit: "Ang gwafo ni Superman!" Basahin nyo na lang sa Wikipedia ang plot.
|| nilaga ni qroon, 1:11 AM || link || (7) ang nakihigop |

Tuesday, June 27, 2006

Cerveza Negra, Liempo, Pearl Jam at Man Pages

Nanggaling dito kanina si Boy Popoy. Inom kami ng konti at kwentuhan. Mga reklamo sa opisina, hanapbuhay at ilang bagay na tungkol sa paniniwalang ispiritwal (oo naman, may relihiyon kami). Tuloy ang tunog ng paborito naming Pearl Jam sa XMMS, nguya ng liempo at inom ng Cerveza Negra. Biglang sumulpot sa usapan namin kung paano makikita sa GNU/Linux command line ang size ng isang directory.

Boy Popoy: ls -dh yata.Ako: Parang hindi eh.
Boy Popoy: Sige test nga natin.
Ako: Teka (sabay punta sa computer at sinubukan ang command). Hindi eh.
Boy Popoy: Ano nga kaya?
Ako: RTFM muna tayo. Hhhhmm... mukhang wala sa man pages ng ls.
Boy Popoy: Nakaaawa tayo, hanggang inuman eh man pages pa rin.
Ako: Oo nga, inom na lang ulit tayo.


Nang makaalis si Boy Popoy eh di ko pa rin napigilang alamin ang command. Ayun! Nadale rin, wala nga sa ls man pages, nasa du pala. Eto ang command:

[root@bahay home]# du -shc /home/ret
33G /home/ret
33G total

Oo nga pala, hindi dumating si jond3rd, natuloy sana ang LemonParty! :P
|| nilaga ni qroon, 10:42 PM || link || (3) ang nakihigop |

Thursday, June 22, 2006

SeaMonkey, Opera and IE Rendering

May mga pagkakaiba sa rendering ng blog na ito sa mga browser na SeaMonkey, Opera at Internet Explorer. Pakitingnan na lamang sa isa ko pang blog, QrooniX.
|| nilaga ni qroon, 11:44 PM || link || (4) ang nakihigop |

Without Joy


A place without Joy (Read: Wala ang misis kong si Joy para maglinis.. he he he). Heto pa ang ilang larawan.
|| nilaga ni qroon, 3:45 PM || link || (1) ang nakihigop |

Sunday, June 18, 2006

Bahay-Trabaho

Eto ang nilalakad ko sa araw-araw. O kaya ay ito naman ang pindutin para mas malaki.
|| nilaga ni qroon, 8:40 PM || link || (3) ang nakihigop |

Cents at Centavos

Kahera: Sir, may 25 cents po kayo?

Ako: Wala Miss. 25 centavos meron. (sabay smile)

Kahera: (napasimangot) Sir, pareho lang po yun ah!

Ako: Uhhmm, hindi pareho yun. Yung 25 cents kasi eh mga humigit-kumulang na 13 pesos ang katumbas.

Kahera: (?!?!?!)

Ako: Yun kasing cents sa Dollar, ang centavos, sa Peso.


Maangas ba ako?
|| nilaga ni qroon, 5:45 PM || link || (6) ang nakihigop |

Tatang Taste

Siguro nga eh tatang na ang taste ko. Minsan na ring sinabi ng pinsan ko na pang-matanda daw ang pinakikinggan kong music (Pearl Jam, STP, Sound Garden, Audio Slave et. al.). Sa mga lay-out naman ng webpages ay napaka minimal ng gusto ko. Yung tipong hindi ka maaabala ng ng mga flash, graphics at kung anu-ano pa (sorry sa mga ka-blog/link ko na may ganitong style :D). Halimbawa na lang sa Friendster at ibang Blogs, kalimitan ay nagka-crash o kaya ay di mai-render ng Firefox/Mozilla/SeaMonkey/Opera ang mga ganitong website. Buti na lang may mga plug-ins sa *Mozilla para ma-block ang ilang components ng isang webpage, gayun pa man ay ma-trabaho pa rin.

Muli, paumanhin sa mga may ganitong klase ng webpage/profile/blogs. Marahil ay nalimutan nyo lang subukan sa mga browser na nabanggit ko. Peace!
|| nilaga ni qroon, 5:08 PM || link || (2) ang nakihigop |

Ang Tatay Ko


Maligayang Araw ng mga Ama! 'Di ko magawang mailagay sa mga salita ang pasasalamat ko sa sa aking ama. Yun lang po :)
|| nilaga ni qroon, 1:04 PM || link || (0) ang nakihigop |

Monday, June 12, 2006

Kalayaan


Dahil sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, maraming nakakabit na mga watawat sa mga daan. Huwag naman sanang magaya sa mga nakaraan na matapos ang Araw ng Kalayaan ay hahayaan na lamang masira ang mga ito.
|| nilaga ni qroon, 5:49 PM || link || (3) ang nakihigop |

Fiesta Sa Bukid

Fiesta sa amin (Ilat South, San Pascual, Batangas) noong nakaraang Hunyo 9, 10 at 11. Ito ang ilang larawan. Noong 11 ay senglots na ako mga bandang 3 ng hapon, kaya di ko na nakuhanan ng litrato ang mga tumugtog at sumayaw noong gabi. Tumugtog nga pala ang Kuweshi (he he he, oo mga fans, alam kong kyushey ang bigkas sa Cueshé) at nanghipo si Katrina Paula at nagsayaw si Kudeth Honasan. Pero di ako nakapanood, ang sarap matulog eh. Php 160,000.00 daw ang ibinayad sa Kuweshi, sana binili na lang ng mga aklat o computers para sa barangay namin.
|| nilaga ni qroon, 5:13 PM || link || (6) ang nakihigop |

Wednesday, June 07, 2006

Help Us Save the Barako

Two hundred years ago, the Philippines was one of the world's top coffee producers. Today, the Barako coffee plant is on its way to extinction. To learn more about the plight of our local Coffee Industry and How You Can Help, visit our website at www.savethebarako.org
|| nilaga ni qroon, 9:42 PM || link || (2) ang nakihigop |

Thursday, June 01, 2006

Lucifer

Nakita ko kaninang umaga si Lucifer....

Lucifer MorningstarLucifer Morningstar
... Morningstar :)
|| nilaga ni qroon, 1:49 PM || link || (6) ang nakihigop |