Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.
Tuesday, June 27, 2006
Cerveza Negra, Liempo, Pearl Jam at Man Pages
Nanggaling dito kanina si Boy Popoy. Inom kami ng konti at kwentuhan. Mga reklamo sa opisina, hanapbuhay at ilang bagay na tungkol sa paniniwalang ispiritwal (oo naman, may relihiyon kami). Tuloy ang tunog ng paborito naming Pearl Jam sa XMMS, nguya ng liempo at inom ng Cerveza Negra. Biglang sumulpot sa usapan namin kung paano makikita sa GNU/Linux command line ang size ng isang directory.
Boy Popoy: ls -dh yata.Ako: Parang hindi eh.
Boy Popoy: Sige test nga natin.
Ako: Teka (sabay punta sa computer at sinubukan ang command). Hindi eh.
Boy Popoy: Ano nga kaya?
Ako: RTFM muna tayo. Hhhhmm... mukhang wala sa man pages ng ls.
Boy Popoy: Nakaaawa tayo, hanggang inuman eh man pages pa rin.
Ako: Oo nga, inom na lang ulit tayo.
Nang makaalis si Boy Popoy eh di ko pa rin napigilang alamin ang command. Ayun! Nadale rin, wala nga sa ls man pages, nasa du pala. Eto ang command:
[root@bahay home]# du -shc /home/ret
33G /home/ret
33G total
Oo nga pala, hindi dumating si jond3rd, natuloy sana ang LemonParty! :P
|| nilaga ni qroon, 10:42 PM
pero wag na tutal tapos na kayo.. hehe!