Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.
Sunday, June 18, 2006
Tatang Taste
Siguro nga eh tatang na ang taste ko. Minsan na ring sinabi ng pinsan ko na pang-matanda daw ang pinakikinggan kong music (Pearl Jam, STP, Sound Garden, Audio Slave et. al.). Sa mga lay-out naman ng webpages ay napaka minimal ng gusto ko. Yung tipong hindi ka maaabala ng ng mga flash, graphics at kung anu-ano pa (sorry sa mga ka-blog/link ko na may ganitong style :D). Halimbawa na lang sa Friendster at ibang Blogs, kalimitan ay nagka-crash o kaya ay di mai-render ng Firefox/Mozilla/SeaMonkey/Opera ang mga ganitong website. Buti na lang may mga plug-ins sa *Mozilla para ma-block ang ilang components ng isang webpage, gayun pa man ay ma-trabaho pa rin.
Muli, paumanhin sa mga may ganitong klase ng webpage/profile/blogs. Marahil ay nalimutan nyo lang subukan sa mga browser na nabanggit ko. Peace!
|| nilaga ni qroon, 5:08 PM