Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Saturday, May 27, 2006

X-Men: The Last Stand


Balak ko sanang gumawa ng maikling review tungkol sa pelikulang ito. Ngunit gaya ng dati, tinatamad akong mag-isip at magsulat gamit ang ingles. Eto lang ang masasabi ko, para sa iba eh hindi maganda ang X-Men III dahil mas naka-focus sa stunts at visual effects sa halip na character development. Pero nagandahan ako, at nanuod ako para mag-enjoy at hindi mag-review.

Paboritong linya -

Magneto: My biggest regret is that he had to die for our dream to come true.

Para sa iba pang information tungkol sa pelikulang ito, puntahan lang ang link na ito sa Wikipedia.
|| nilaga ni qroon, 10:39 PM || link || (8) ang nakihigop |

Thursday, May 25, 2006

Pearl Jam: Pearl Jam (Avocado Album)

Track Listing:

Life Wasted
World Wide Suicide
Comatose
Severed Hand
Marker In The Sand
Parachutes
Unemployable
Big Wave
Gone
Wasted Reprise
Army Reserve
Come Back
Inside Job

This time, Pearl Jam is going back to their old sound
. It's like the Ten/Versus/Vitalogy era again. Scorching sound (like the first 3 tracks and Big Wave) reminded me of my college days. Radio-friendly songs are also present (Marker in the Sand, Parachutes and Come Back). Socially-aware tracks like World Wide Suicide and Unemployable are proofs that politically charged songs are not boring.

Nu metal kids may not appreciate this album but old fans alienated by Pearl Jam's deviation/experimentations will definitely like Avocado. And hey, buy the original, it's worth it!


Note: Chucks sold separately.
|| nilaga ni qroon, 10:51 PM || link || (4) ang nakihigop |

Wednesday, May 17, 2006

Nais ko....

... na magkaroon nito.
|| nilaga ni qroon, 9:17 PM || link || (8) ang nakihigop |

Monday, May 15, 2006

Tawiran

Bukas na ang tawiran (overpass) ng mga tao sa Magallanes Interchange. Hindi na kailangang makipagpatintero ng mga tumatawid (na kagaya ko) sa mga sasakyan. Dati-rati kasi, kahit alam ng mga may sasakyan na walang matinong tawiran sa Magallanes eh grabeng makabusina ang mga ito. Wala na sigurong magba-blog na nakatatakot magmaneho sa may Magallanes dahil maraming tumatawid na pedestrians.

Tawiran na rin lang ang napaguusapan, noong nakaraang Huwebes mga 7:50 ng gabi ay tumawid kami ng pamilya ko sa pedestrian lane sa pagitan ng SM City Makati at Glorietta. Marami kaming mga tumatawid, at uulitin ko, sa pedestrian lane kami bumabagtas. Kung makabusina yung mga naka SUV eh akala mo'y mga bingi ang mga tao. Nakita na ngang maraming tumatawid eh (at may mga bata)! Tsk!
|| nilaga ni qroon, 7:31 PM || link || (3) ang nakihigop |

Internet

May internet na kami dito sa Pasay. Pero medyo di maayos. Tingnan nyo na lang post ko sa QrooniX.
|| nilaga ni qroon, 6:38 PM || link || (0) ang nakihigop |

Wednesday, May 10, 2006

The Political Compass

Economic Left/Right: -5.13
Social Libertarian/Authoritarian: -1.90


Take the test
|| nilaga ni qroon, 10:22 AM || link || (0) ang nakihigop |

Friday, May 05, 2006

Kaarawan


Maligayang Kaarawan sa pinakamagandang babae sa buong daigdig, ang aking asawa :)
|| nilaga ni qroon, 9:14 AM || link || (2) ang nakihigop |

Thursday, May 04, 2006

Gitara o Camera

Ilang araw ko ng pinag-iisipan kung alin ang pipiliin ko, gitara o camera. Sabi ng ilang kasama ko sa opisina, ang camera daw ay madaling bumaba ang presyo. Samantalang ang gitara ay may posibilidad na tumaas ang presyo kapag naubos na ang production ng isang model. Ngunit tataas kaya ang halaga ng transparent/translucent bass/guitar ng RJ? Nagulo ang isip ko ng imungkahi ni Boy Popoy na bumuo kami ulit ng banda na kasama si jond3rd.

Ahhh... magulo, magulo ang isip ko!
|| nilaga ni qroon, 1:26 PM || link || (4) ang nakihigop |