Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.
Monday, May 15, 2006
Tawiran
Bukas na ang tawiran (overpass) ng mga tao sa Magallanes Interchange. Hindi na kailangang makipagpatintero ng mga tumatawid (na kagaya ko) sa mga sasakyan. Dati-rati kasi, kahit alam ng mga may sasakyan na walang matinong tawiran sa Magallanes eh grabeng makabusina ang mga ito. Wala na sigurong magba-blog na nakatatakot magmaneho sa may Magallanes dahil maraming tumatawid na pedestrians.
Tawiran na rin lang ang napaguusapan, noong nakaraang Huwebes mga 7:50 ng gabi ay tumawid kami ng pamilya ko sa pedestrian lane sa pagitan ng SM City Makati at Glorietta. Marami kaming mga tumatawid, at uulitin ko, sa pedestrian lane kami bumabagtas. Kung makabusina yung mga naka SUV eh akala mo'y mga bingi ang mga tao. Nakita na ngang maraming tumatawid eh (at may mga bata)! Tsk!
|| nilaga ni qroon, 7:31 PM
nung kumuha nga pala ako ng professional license satin, tinanong nila kung mamamasada ako ng jeep or mag da-drive ng truck!!! barilin ko bungo nun eh! naka boots pa mandin ako!! sinira ang ganda ko.. hehe!! nways, expired na lisence ko last year nung bday ko! kaya nde ako yung bumusina senyo! heheh