Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Thursday, June 30, 2005

Articles

May magagandang articles akong nabasa sa Wikipedia, sapul na sapul sa panlasang pinoy. Masarap na pag-usapan sa isang kapihan:

Mental
IMCF

Enjoy!
|| nilaga ni qroon, 2:48 PM || link || (1) ang nakihigop |

Monday, June 27, 2005

Nasasakdal


Mateo Santos
A.K.A. Boy Dapa
Case No. H5X012-1337
|| nilaga ni qroon, 9:21 AM || link || (6) ang nakihigop |

Thursday, June 23, 2005

Ayusin Ang Serbisyo o Magsara Na Lang Kayo

Nababagay lang yan sa serbisyo ng Sun Cellular. Noong una ay natuwa ako sa ginawa ng Sun Cellular na pagkakaroon ng 24x7 free call and text. Ngunit ngayon ay kasumpa-sumpa ang serbisyo nila. Kinakailangan pabg sumubok ng 12-15 beses bago pumasok ang isang tawag. At isa lang sa 6 na tawag ang malinaw at hindi mapuputol sa takdang oras. Sa makatuwid ay isang tawag/usapan lang ang mapagtityagaan sa 72 dial!

Sinubukan ko namang magpadala ng mensahe. Sa pang-106 pa lamang pumasok ang mensahe ko! Sa sumunod namang mensahe ay bumaba ito, 34 na beses na lang sumubok! Oo, pinagtiyagaan kong bilangin ang mga sablay ng Sun Cellular. At sa mga nabanggit kong pangyayari ay puno ang signal ng selepono(cellphone) ko.

Kung susumahin ko ang nagagastos ko sa 24x7 card (Php 350) at regular card (Php 100) para naman makapasok sa ibang network, ay lugi pa ako sa sakit ng ulo, sama ng loob at galit sa kasula-sulasok na serbisyo ng Sun Cellular. Maaring sabihin ng ilan na yan ang napapala sa paggamit ng 'libre'ng serbisyo. Ngunit hindi dapat pamantayan ang kantidad ng ibinabayad sa kalidad ng serbisyo!
|| nilaga ni qroon, 9:35 AM || link || (0) ang nakihigop |

Tuesday, June 21, 2005

Lakad

Maaga ako ngayong pumapasok sa trabaho. Binibigyan ko kasi ng mas mahabang panahon ang paglalakad sa umaga. Itinaas na kasi ang minimum na pamasahe (unang 4 na kilometro) mula Php 5.50 sa Php 7.50, at Php 1.25 sa bawat dagdag kilometro. Masakit na sa bulsa ang bagong dagdag pasahe gayong di pa kami nakatatanggap ng dagdag sa sweldo. Naisip ko tuloy na kaya lang itinuloy ang pagtataas ng pamasahe eh upang mapigilan ang mga operator at drivers na sumama sa pag-aaklas na ginagawa ng ilang sektor ng lipunan.
|| nilaga ni qroon, 8:24 AM || link || (0) ang nakihigop |

Tuesday, June 14, 2005

Lipad Pinoy, Lipad!

Nakalulungkot malaman na malaking bahagdan sa ating mga Pilipino ang nagnanais ng umalis ng Pilipinas hindi lang upang maghanapbuhay sa ibang bansa kundi doon na manirahan. Lalo pang ginagatungan ng mga paaralang nangangako na makapagtatrabaho sa ibayong dagat ang mga nagtapos sa kanila. Pinatitibay nila ang paniniwalang walang pag-asa sa ating bansa!

Karamihan sa mga mag-aaral ay nagsasabing kailangan nilang maging nurse para makapangibang bansa. Kung hindi naman nurse ay nararahuyo sa mga malayo sa katotohanang patalastas ng maraming paaralang nasabi ko na sa itaas.

Sino nga ba ang dapat sisihin sa pagkakataong ito? Kahiparan ba? Maaring kahirapan nga para sa mga kababayan nating matagal ng naghihirap. Paano naman yung mga mayayaman na? Bakit umaalis pa rin sila? Takot sa kaligtasan nila? Marami ngang dahilan. Marami ngang dahilan upang takasan ang ayon sa kanila ay mala-impyernong kalagayan ng Pilipinas.

Pamahalaan nga ba ang dapat sisihin sa kalunus-lunos na kalagayan ng ating bayan? Hindi lang pamahalaan, pati tayo ring mga mamamayan. Ningas kugon na pagkamakabayan, at pagpapawalang halaga sa mga natamong kalayaan. Pagkatapos ng mga pagdiriwang, balik bolahan na naman. Magpapabola, maniniwala, magrereklamo at mangangarap na namang lumipad.

Tuluy-tuloy ang ikot. Pinaiikot ng iilan ang ating paniniwala! Subukan naman kaya nating si Bathala ang magpagalaw ng ating buhay?
|| nilaga ni qroon, 2:34 PM || link || (2) ang nakihigop |

Thursday, June 09, 2005

Eclipse

Hindi pa rin ako nadadala sa pangit na serbisyo ng Sun Cellular.

Network Busy, kapag tumatawag.
Message sending failed, kapag nagpapadala naman ng mensahe.

Umiinit lang ang ulo ko. Akala ko dati ay mapapaganda ng Digitel ang serbisyo nila dahil nagtaas na sila ng presyo sa call cards. Naging Php 350 ang dating 30 days 24/7 card na Php 250 at naging 7 days lang ang dating 10 days na Php 100.

Sumablay na rin dati ang Digitel noong naka dial-up pa sa bahay ang misis ko. Pinutol ang internet access kahit hindi pumapalya ng pagbabayad sa internet at phone bills!
|| nilaga ni qroon, 2:58 PM || link || (2) ang nakihigop |

Sunday, June 05, 2005

Sablay

Dahil nalalapit na ang Araw ng Kalayaan, marami na namang mga isinabit na mga Watawat ng Pilipinas kung saan saan. Sa EDSA, ay nakalagay ang mga ito sa mga poste ng ilaw. Ngunit lumalabas na mababaw ang paggunitang ito. Pinababayaan lang ng mga naglagay na mabasa ang mga watawat. Dito natin mapagtatanto ang ugali ng ilan na mahilig lang sumakay sa uso at mapagpaimbabaw. Kunwari'y makabayan....

Tuluy-tuloy lang ang bolahan at plastikan....
|| nilaga ni qroon, 2:49 PM || link || (1) ang nakihigop |

Saturday, June 04, 2005

Kernel Panic at IIS

Naging abala ako ngayong buong linggo. Una ay ang settings ng IIS na hindi ko pa rin makuha. Haaayyy... hindi ko mailipat sa LAMP (Linux, Apache, MySQL, PHP/Perl) ang ilang websites namin dahil yung ibang ASP scripts ay gumagamit ng DLL. Pangalawa, iyong isang server ko naman na naka-Linux ay pumapalya na ang hardware, kaya nagke-kernel panic. Suspetsa ko ay ang harddrive at NIC. Kaya ang solution, single user mode, tapos start ng manu-mano ang mga service.

Buhay sysad/BOFH, napakabigat ng nakaatang na responsibilidad. Ang masakit nito ay akala ng users ay naka-tambay ka lang sa opisina at naglalaro ng RA2/YR. Kailangan ko munang maghanap ng kapihan, para ma-relax naman. Kaso mahal sa Starbucks eh. Instant coffee na lang.
|| nilaga ni qroon, 3:51 PM || link || (8) ang nakihigop |

Serbisyong PLDT Batangas

Halos limang araw ng walang dial tone at DSL connection ang misis ko. Mainit na ang ulo namin. Unang-una na ay sira ang pangunahing gamit namin sa komunikasyon sa isa't isa, sya sa Batangas, ako nama'y dito sa Metro Manila. May ilang project nya ang natigil. Noong isang araw ay pumunta si Joy sa opisina ng PLDT upang i-reklamo ang nasabing usapin ngunit pinag-sungitan pa sya ng isang babae doon, aalamin ko ang pangalan nito at ilalagay ko dito. Muntik na daw magtaray si Joy kung hindi lang nya kasama ang anak namin. Matagal na ring customer ng PLDT ang misis ko, malaki na rin ang naibayad nya sa bills ng telepono at DSL.
|| nilaga ni qroon, 10:31 AM || link || (5) ang nakihigop |