Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Tuesday, June 14, 2005

Lipad Pinoy, Lipad!

Nakalulungkot malaman na malaking bahagdan sa ating mga Pilipino ang nagnanais ng umalis ng Pilipinas hindi lang upang maghanapbuhay sa ibang bansa kundi doon na manirahan. Lalo pang ginagatungan ng mga paaralang nangangako na makapagtatrabaho sa ibayong dagat ang mga nagtapos sa kanila. Pinatitibay nila ang paniniwalang walang pag-asa sa ating bansa!

Karamihan sa mga mag-aaral ay nagsasabing kailangan nilang maging nurse para makapangibang bansa. Kung hindi naman nurse ay nararahuyo sa mga malayo sa katotohanang patalastas ng maraming paaralang nasabi ko na sa itaas.

Sino nga ba ang dapat sisihin sa pagkakataong ito? Kahiparan ba? Maaring kahirapan nga para sa mga kababayan nating matagal ng naghihirap. Paano naman yung mga mayayaman na? Bakit umaalis pa rin sila? Takot sa kaligtasan nila? Marami ngang dahilan. Marami ngang dahilan upang takasan ang ayon sa kanila ay mala-impyernong kalagayan ng Pilipinas.

Pamahalaan nga ba ang dapat sisihin sa kalunus-lunos na kalagayan ng ating bayan? Hindi lang pamahalaan, pati tayo ring mga mamamayan. Ningas kugon na pagkamakabayan, at pagpapawalang halaga sa mga natamong kalayaan. Pagkatapos ng mga pagdiriwang, balik bolahan na naman. Magpapabola, maniniwala, magrereklamo at mangangarap na namang lumipad.

Tuluy-tuloy ang ikot. Pinaiikot ng iilan ang ating paniniwala! Subukan naman kaya nating si Bathala ang magpagalaw ng ating buhay?
|| nilaga ni qroon, 2:34 PM

2 Ang nakihigop:

Oi pahingi nung wiretapped recording ni Gary at GMA!
Anonymous Anonymous, at 6:41 PM  
Wala akong kopya nun. Yung IP Engineer yata sa BayanTel may kopya nun.
Blogger qroon, at 8:47 AM  

Makihigop na!