Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Thursday, June 23, 2005

Ayusin Ang Serbisyo o Magsara Na Lang Kayo

Nababagay lang yan sa serbisyo ng Sun Cellular. Noong una ay natuwa ako sa ginawa ng Sun Cellular na pagkakaroon ng 24x7 free call and text. Ngunit ngayon ay kasumpa-sumpa ang serbisyo nila. Kinakailangan pabg sumubok ng 12-15 beses bago pumasok ang isang tawag. At isa lang sa 6 na tawag ang malinaw at hindi mapuputol sa takdang oras. Sa makatuwid ay isang tawag/usapan lang ang mapagtityagaan sa 72 dial!

Sinubukan ko namang magpadala ng mensahe. Sa pang-106 pa lamang pumasok ang mensahe ko! Sa sumunod namang mensahe ay bumaba ito, 34 na beses na lang sumubok! Oo, pinagtiyagaan kong bilangin ang mga sablay ng Sun Cellular. At sa mga nabanggit kong pangyayari ay puno ang signal ng selepono(cellphone) ko.

Kung susumahin ko ang nagagastos ko sa 24x7 card (Php 350) at regular card (Php 100) para naman makapasok sa ibang network, ay lugi pa ako sa sakit ng ulo, sama ng loob at galit sa kasula-sulasok na serbisyo ng Sun Cellular. Maaring sabihin ng ilan na yan ang napapala sa paggamit ng 'libre'ng serbisyo. Ngunit hindi dapat pamantayan ang kantidad ng ibinabayad sa kalidad ng serbisyo!
|| nilaga ni qroon, 9:35 AM

0 Ang nakihigop:

Makihigop na!