Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Thursday, June 09, 2005

Eclipse

Hindi pa rin ako nadadala sa pangit na serbisyo ng Sun Cellular.

Network Busy, kapag tumatawag.
Message sending failed, kapag nagpapadala naman ng mensahe.

Umiinit lang ang ulo ko. Akala ko dati ay mapapaganda ng Digitel ang serbisyo nila dahil nagtaas na sila ng presyo sa call cards. Naging Php 350 ang dating 30 days 24/7 card na Php 250 at naging 7 days lang ang dating 10 days na Php 100.

Sumablay na rin dati ang Digitel noong naka dial-up pa sa bahay ang misis ko. Pinutol ang internet access kahit hindi pumapalya ng pagbabayad sa internet at phone bills!
|| nilaga ni qroon, 2:58 PM

2 Ang nakihigop:

Tsk tsk, kaya ako nag BayanTel na ako! Bwhahahaha!
Anonymous Kurdapya, at 11:58 PM  
Kagabi eh limang beses na naputol ang linya namin habang naguusap kami ng misis ko. Sampung beses na ulit bago makapagpadala ng isang mensahe.

Hmmm... baka nakawire-tap ang linya namin...
Blogger qroon, at 2:40 PM  

Makihigop na!