Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Sunday, February 17, 2008

Musikang Pinoy O ...

... Musikang gawa ng Pinoy?

Matagal na ring umuukilkil sa isipan ko ito. Alin ba ang tama sa dalawa? Tama bang tawaging Musikang Pinoy (Pinoy Music) ang mga awit/musika na nilikha ng mga Pinoy ngunit na-impluwensyahan naman ng musikang kanluranin at iba pang kalapit bansa? Maaaring maka-lantay na pananaw kapag sinabi kong halos walang Musikang Pinoy ngayon. Ngunit nais ko lamang malaman ang pananaw ng iba sa usaping ito.

Hindi naman lingid sa lahat na karamihan sa mga tinatawag na Musikang Pinoy (OPM) ay hango sa musika ng ibang bansa na nilapatan ng wikang filipino (at iba pang wika sa Pilipinas). Kaya tinawag ko itong mga Musikang gawa ng Pinoy (Music by Pinoys). Ano ang Musikang Pinoy? Yaon ay ang mga awiting nilikha ng mga katutubo na hindi gumagamit ng gitara, tambol o anumang instrumentong musikal na galing sa ibang bansa.

Ngunit maaring sabihin ng iba na wala naman talagang taal na Filipino, ang mga ninuno natin ay galing sa mga karatig bansa. Ah, hindi ko alam! Sinasalungat ko na naman ang aking sarili! Marahil ay nais ko lamang ng usapin.

Labels: ,

|| nilaga ni qroon, 9:56 PM || link || (1) ang nakihigop |

Taxi

Naging problema na ng maraming nagta-trabaho sa Makati ang pagsakay sa mga taxi. May mga mamimili ng pasahero, nango-ngontrata, namimili ng lugar, at hindi nagsusukli ng maayos. Marami na ring umaga ko ang sinira ng mga taxi driver, at nahuli ako ng pasok sa trabaho. Si Boy Popoy, maraming beses na ring naasar sa mga driver na nagsasabing wala silang barya. Bibigyan naman ng tip eh, kaso garapalan kung humingi.

Buti na lang at may kampanya ngayon ang mga pulis ng Makati na hulihin ang mga isnaberong tsuper ng taxi! Sana nga ay madala naman ang mga taxi driver na hindi sumusunod sa batas!

Labels: ,

|| nilaga ni qroon, 9:07 PM || link || (1) ang nakihigop |

Wednesday, February 06, 2008

PETA: Bumanat Na Naman

Itigil daw ang pagbili at pag-gamit ng pandikit na panghuli ng mga daga. Bago naman sana isipin ang karapatan ng mga hayop ay isipin muna ang karapatan ng maraming taong naghihirap at maihahon sa kahirapan. Karapatan ng mga bata sa matinong edukasyon.

Sabi nga ng misis ko "O sige.. manghuhuli ng dagang ga pusa tapos sa kama nila iabay!" ... At bumanat din ang misis ko, eto ang sinipi nya.

Labels: ,

|| nilaga ni qroon, 12:58 AM || link || (0) ang nakihigop |

Tuesday, February 05, 2008

Aklat

Noong isang araw ay nabasa ko ang isang akda ni Ambeth Ocampo sa Inquirer.net, The romance of books. Isang pagninilay sa kalagayan ng pagpapahalaga sa mga aklat at kasaysayan. Na kahit marami pang mga lathala sa internet ay iba pa rin ang nagbabasa ng aklat. Ang ngiti na naidudulot kapag may bagong aklat na nabili. Hindi lang ang mga kaalaman at tuwa na naidudulot ng aklat, kundi ang halagang pang-sentimental.

Matagal na rin nga akong hindi nakapupunta sa mga aklatan at museo. Kapag may panahon na ulit. Kapag hindi subsob sa hanapbuhay at iba pa. Pasyal ulit sa mga museo at makasaysayang lugar. Magandang alternatibo sa panunood ng sine o pagpunta sa mall. Yun nga lang, mas magastos.

Marahil nga ay mababaw pa ang ating kaalaman sa ating kasaysayan. Na mas mararamdaman natin ang pagiging Pilipino kung mas maraming kaalaman sa nakaraan ng ating bansa. Marami pang dapat alamin at aralin. Tuluy-tuloy ang pag-aaral :)

Labels: ,

|| nilaga ni qroon, 11:14 PM || link || (0) ang nakihigop |

Datu's Tribe - Lakambini Bottom

Labels: , , ,

|| nilaga ni qroon, 10:01 PM || link || (0) ang nakihigop |

Friday, February 01, 2008

VIII

Labels: ,

|| nilaga ni qroon, 2:00 PM || link || (1) ang nakihigop |