Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Sunday, February 17, 2008

Taxi

Naging problema na ng maraming nagta-trabaho sa Makati ang pagsakay sa mga taxi. May mga mamimili ng pasahero, nango-ngontrata, namimili ng lugar, at hindi nagsusukli ng maayos. Marami na ring umaga ko ang sinira ng mga taxi driver, at nahuli ako ng pasok sa trabaho. Si Boy Popoy, maraming beses na ring naasar sa mga driver na nagsasabing wala silang barya. Bibigyan naman ng tip eh, kaso garapalan kung humingi.

Buti na lang at may kampanya ngayon ang mga pulis ng Makati na hulihin ang mga isnaberong tsuper ng taxi! Sana nga ay madala naman ang mga taxi driver na hindi sumusunod sa batas!

Labels: ,

|| nilaga ni qroon, 9:07 PM

1 Ang nakihigop:

at sana ipatupad na talaga... wari ko'y pa ilang oplan na yan eh... puro ningas kugon ang mga nakaraan. hayz.
Anonymous MamaJoy, at 10:13 PM  

Makihigop na!