Noong isang araw ay nabasa ko ang isang akda ni Ambeth Ocampo sa Inquirer.net, The romance of books. Isang pagninilay sa kalagayan ng pagpapahalaga sa mga aklat at kasaysayan. Na kahit marami pang mga lathala sa internet ay iba pa rin ang nagbabasa ng aklat. Ang ngiti na naidudulot kapag may bagong aklat na nabili. Hindi lang ang mga kaalaman at tuwa na naidudulot ng aklat, kundi ang halagang pang-sentimental.
Matagal na rin nga akong hindi nakapupunta sa mga aklatan at museo. Kapag may panahon na ulit. Kapag hindi subsob sa hanapbuhay at iba pa. Pasyal ulit sa mga museo at makasaysayang lugar. Magandang alternatibo sa panunood ng sine o pagpunta sa mall. Yun nga lang, mas magastos.
Marahil nga ay mababaw pa ang ating kaalaman sa ating kasaysayan. Na mas mararamdaman natin ang pagiging Pilipino kung mas maraming kaalaman sa nakaraan ng ating bansa. Marami pang dapat alamin at aralin. Tuluy-tuloy ang pag-aaral :)
Labels: Aklat, Kasaysayan