Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Sunday, February 17, 2008

Musikang Pinoy O ...

... Musikang gawa ng Pinoy?

Matagal na ring umuukilkil sa isipan ko ito. Alin ba ang tama sa dalawa? Tama bang tawaging Musikang Pinoy (Pinoy Music) ang mga awit/musika na nilikha ng mga Pinoy ngunit na-impluwensyahan naman ng musikang kanluranin at iba pang kalapit bansa? Maaaring maka-lantay na pananaw kapag sinabi kong halos walang Musikang Pinoy ngayon. Ngunit nais ko lamang malaman ang pananaw ng iba sa usaping ito.

Hindi naman lingid sa lahat na karamihan sa mga tinatawag na Musikang Pinoy (OPM) ay hango sa musika ng ibang bansa na nilapatan ng wikang filipino (at iba pang wika sa Pilipinas). Kaya tinawag ko itong mga Musikang gawa ng Pinoy (Music by Pinoys). Ano ang Musikang Pinoy? Yaon ay ang mga awiting nilikha ng mga katutubo na hindi gumagamit ng gitara, tambol o anumang instrumentong musikal na galing sa ibang bansa.

Ngunit maaring sabihin ng iba na wala naman talagang taal na Filipino, ang mga ninuno natin ay galing sa mga karatig bansa. Ah, hindi ko alam! Sinasalungat ko na naman ang aking sarili! Marahil ay nais ko lamang ng usapin.

Labels: ,

|| nilaga ni qroon, 9:56 PM

1 Ang nakihigop:

ok.. pass... du'oh... :D
Anonymous Anonymous, at 11:19 AM  

Makihigop na!