Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Wednesday, January 09, 2008

Google Ad, Pinoy at Edukasyon

Matagal ko na ring nailagay ang Google Ad dito sa Kapihan. Napansin ko na dati na hindi pa gaanong napa-plantsa ang mga lumalabas na patalastas :). Dahil siguro maraming beses na nabanggit sa talaarawang ito ang salitang 'hindi' ay makikita mo sa ads ang 'Hindi Songs'. Ngunit medyo nagulat ako sa nakita kong Google Ad dito.

Filipino Nurse at Philippine OFW. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Bumibili ba ng Ads sa Google ang mga recruiter? Marahil nga ay palasak na rin sa Internet at buong mundo na maraming nurse na Pinoy. Wika nga ng isang kolumnista sa isang pahayagan. Ang mga OFW/Nurse ang malaking naitutulong upang umangat ang halaga ng piso. At ito rin ang dahilan kung bakit nagkukulang ang mga mahuhusay na manggagawa dito sa Pilipinas.

Ang pagha-hanap buhay sa ibang bansa ang nagbibigay ng pag-asa sa karamihan ng Pinoy. At ito rin ang dahilan kung bakit maraming Kolehiyo ang nananamantala sa mga magulang at mag-aaral. Ang pangako ng pangingibang bansa, kahit bumaba ang kalidad ng edukasyon.

Mayroon ba akong sinisisi? Marahil ay mayroon, marahil ay wala. Wala lang siguro akong maisulat. :) Pakinggan (salamat sa editing Inay!) nyo na lang ang ilang awit ng Datu's Tribe sa IAC Music.

Labels: , , ,

|| nilaga ni qroon, 12:16 AM

1 Ang nakihigop:

Itay... pakinggan po yun.. it's not paking... :D
"Paking nyo na lang ang ilang awit ng Datu's Tribe sa IAC Music."
Anonymous Anonymous, at 9:44 AM  

Makihigop na!