Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Wednesday, December 05, 2007

Kapihan: Kapeng Walang Lasa

Kapeng matabang, halos mapanis.
Pinanis ng mahabang panahon.
Ubos na ang bango.
Wala ng sarap, wala ng pait.

Para ngang kapeng panis, walang bago sa kapihan. Matumal, wala ng nagbabasa. Walang nakikihigop. Ito pala ang masamang epekto ng trabaho. Walang panahon magtala ng mga pangyayari sa buhay. Hindi maibulalas ang mga nararamdaman. Hindi makapagbigay ng komento sa mga pangyayari.

Marami na nga ang nangyari. Pansarili at panglipunan. Paghihirap, musmos na buhay na kinitil, pagtaas(?) ng halaga ng piso, pagsabog, rebelyon at kung anu-ano pa. Ah, nawawala na ba ang apoy na nagpapainit sa aking isipan? Tuluyan na nga bang tinakasan ng sining ang aking buhay? Kinain na na ng trabaho at sistema?

Ah, wala ng galit.
Walang himig at salita.

Gusto kong mag-komento, ngunit wala na ngang panahon. Di na rin napapanahon kung isusulat ko ang mga nasa isip ko. Ano nga bang pinaghihimutok ko? Wala! Wala akong magawa, wala akong maisulat na matino.

Tuloy ang pagkalabit ng baho.
Isabay sa palo ng tambol.
At sa kaskas ng mga gitara.

--------------------------------------------------

Nitong mga nakaraang araw ay napapansin kong wala nga yung inspirasyon para magsulat ng kahit ano. Artipisyal lang ang pagtugtog. Kailangan nga siguro ang pag-e-ensayo palagi. Upang maibalik yung apoy sa pagtugtog. Tugtugan na!

Labels: ,

|| nilaga ni qroon, 11:25 PM

1 Ang nakihigop:

hi! blog hopping~ visit me at http://callworkcomics.blogspot.com
Blogger Hazel Manzano, at 11:03 PM  

Makihigop na!