Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Saturday, August 05, 2006

Hindi Dapat Ganito

Walang magawa at nababagot
Nakatingin sa kisameng madumi
Nag-iisip, tinatalo ng lungkot
Ah, hindi dapat ganito

Musikang dapat ay masaya
Pilit ang mga halakhak
Basa, guhit at kumatha
Ah, hindi dapat ganito

Nakatanaw sa kawalan
Buntong hiningang malalim
Nasa malayo ang isipan
Ah, hindi dapat ganito

Bakit? Ano? Paano?

Ah, hindi dapat ganito!
|| nilaga ni qroon, 11:56 PM

4 Ang nakihigop:

Miss molang ang family Qroon.. ang halik at yakap ni Joy ang mga lambing ni Neng... syempre kelangan din ng konting inspirasyon.. ganun un.. wag ka ng masyadong matanng dahil alam ko na alam mo na alam mo ang sagot sa tanong mong yan... nababagot ka? aba manood ka ng sine.. bwhahahah!
Blogger tutubing_karayom, at 7:59 AM  
Oo, hinahanap-hanap ko na ang pamilya ko... haaayyyy...

Agosto ngayon, kailangang magtipid wika nga ng mga nakatatanda :P
Blogger qroon, at 3:02 PM  
Eh ano nman ang kinalaman ng buwang agosto sa pagtitipid? me scientific explanation ba un? pwede nman sa sept, kana mag tipid para mabigyan mo ako ng gift.. hehe bertdey ko kc
Blogger tutubing_karayom, at 7:05 PM  
well, typically sa probinsya ay lean month ang agosto. nariyan ang tag-ulan at iba pang naka-aabala sa nagta-trabaho :)
Blogger qroon, at 7:17 PM  

Makihigop na!