Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Saturday, July 01, 2006

FĂȘte de la musique, Mall of Asia

Nanuod kami ni Boy Popoy ng FĂȘte de la musique sa Mall of Asia. Sinadya namin talaga dahil tutugtog ang isa sa paborito naming banda, ang Datu's Tribe. Solved ang tugtugan ng Datu's Tribe, unag pasok ang Sarsa Platoon at isinunod naman ang Lakambini Bottom. Tinugtog din nila ang dalawang kanta na galing sa bagong album nila na ilalabas sa Agosto, Karne at Whoa! Pilipinas!. Ang encore nila ay ang Nakalilitong mga Tao.

Todo slam ang mga bata. Walang nagtangkang banggain kami (ang laki ko ba naman). May ilang linya sa kanta ng Datu's Tribe ang tumatalakay sa kalagayan n ating bansa. Biglang sumigaw yung isang bata ng "GMA resign!". Sagot naman ni Cabring (Vocals ng Datu's):

Anong resign? Mag-aral nga kayo! Corny mang pakinggan, pero yun ang totoo. Ang makatapos ng pag-aaral ang solusyon!

Sapul na sapol, tumahimik yung nalilitong mga punklitos. Ilan sa paborito kong linya sa bagong kanta nila eh.

Ang bagong relihiyon ng masa ay ang tele-pantasya
Kaya mga artista dito'y nagiging pulitiko and vice versa
Ang dating kampo ni Bonifacio commercial center na ng elitista
Na tinatatambayan na rin ng mga bagong burgis na dating aktibista

Yung isa pang kanta nila eh tinatalakay ang nakalulungkot na sinasapit ng mga OFW (Karne). Na napipilitan ang karamihang mangibang bansa dahil sa kahirapan. Pagkatapos nilang tumugtog ay umalis na kami, hindi na namin nahintay pa ang Wuds, Live Tilapia at iba pang banda. Napadaan pa kami dun sa isang stage, Reggae, Ethnic at World Music ang tema. Balita ko ay tutugtog dun ang Tropical Depression at Coco Jam, pero nakaiinis yung "nutech crowd". Yung isa namang stage eh mukhang nilalangaw. Masaya talaga kapag masa ang mga kasama :)

Maitatanong mo rin, ilan kaya sa mga nanunood na punklitos ang nakukuha ang mga mensahe ng mga kanta? Ilan kaya talaga sa kanila ang alam ang ibig sabihin ng mga ipinagsusuot nilang damit? Ilan kaya sa naka-reggae na pananamit (kumpleto pa pati dreadlocks) ang alam ang roots ng musika nila? Ang sigurado ko lang, ay maraming pumunta to pick up and to be picked up (tama ba ang ingles ko?).
|| nilaga ni qroon, 12:13 AM

2 Ang nakihigop:

sayang bakit di tayo nagkita dun? shet nandun lang ako sa reggae stage nag shoshoot!
Blogger Uber, at 12:44 AM  
oi Sherwin, kumain pa kami malapit dun. umalis kami eh mga 2 na rin. baka naman hindi banda ang kinuhanan mo :P
Blogger qroon, at 8:11 AM  

Makihigop na!