Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.
Wednesday, July 19, 2006
Kwentuhang Kalbo: Rizal
O Kalbong Kwentuhan.
Mga ilang linggo na rin ang nakalipas, habang nagkakape kami ni Habatutay ay napagkwentuhan namin si Rizal (Ute). Eto ang paunang impormasyon, ang Lolo ni Habatutay (LH) ay naging panadero ng isang Kababata ni Rizal (KNR). Kwento ni KNR, noong mga bata pa sila ay nakakalaro nila si Ute ng iskrimang patpat (kawayang espada). Wika daw ni Ute sa tatlong kalaro nito ay:
Kahit isa man lang sa inyo ang makatama sa akin, kahit sa damit lang, ay panalo na kayo!
Ayos! At di nga daw nakatama kahit sa damit yung tatlo.
Bigla naming nasabi:
Hindi rin mayabang si Rizal no? Siguro kung buhay ngayon si Rizal, eh malamang sa programmer yun o di kaya naman ay SysAd!
|| nilaga ni qroon, 6:16 PM
pasensya.... pers onor na nman ako.. alabang award jan?