Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.
Saturday, July 15, 2006
Pirata, Routers at Kapihan
Kagabi ay nagkayayaan kami ni Boy Popoy na manuod ng Pirates of the Caribbean: Dead Man's Chest. Ayos naman ang pelikula, masayang magulo. As usual, nagbasa ako sa Wikipedia tungkol sa plot, reviews at ilang trivia. Hindi natapos ang gabi hanggang walang kwentuhan tungkol sa computers at trabaho. Kaya habang nasa isang Kapihan kami, ay nagbigay ng ilang tips si Master Popoy tungkol sa mga router, lalo na ang isang tool na libog na libog sya, ang Dynagen.
Oo nga pala, mabilis pa rin ang libreng wifi access courtesy of Bon Bosco.
|| nilaga ni qroon, 8:38 PM