Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.
Saturday, October 01, 2005
Mplayer
Mayroon akong isang album ng Pearl Jam (Downside) na na-encode ko sa wma format. Hindi ko mapatunog gamit ang xmms. Una wala akong codec, pangalawa walang internet sa bahay kaya walang makukuhanan ng codec. Ang solution, mplayer (na sya ko ring gamit sa video).
[qroon@kapihan Pearl Jam Downside]$ mplayer 01-Black-Pearl Jam.wma
Ayos! Tumutunog na. Ngunit paano kung dalawang kanta ang patutugtugin ko? Iisa-isahin ko ba? Sinubukan ko ngang patugtugin ang dalawang kanta:
[qroon@kapihan Pearl Jam Downside]$ mplayer 01-Black-Pearl Jam.wma 03-Daughter-Pearl Jam.wma
Ayos na naman, tumunog nga ang mga ito. Eh kung buong album na kaya?
[qroon@kapihan Pearl Jam Downside]$ man mplayer
At may nabasa akong ganito:
-playlist
Play files according to a playlist file (ASX, Winamp, SMIL, or
one-file-per-line format).
[qroon@kapihan Pearl Jam Downside]$ ls > downside
[qroon@kapihan Pearl Jam Downside]$ mplayer -playlist downside
Ayun! Solved na. Salamat mplayer at man pages!
Lesson learned? When in heat, RTFM! he he he.
|| nilaga ni qroon, 10:14 AM