Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Tuesday, September 20, 2005

Papel sa Kapihan

Kapihan
Tulang isinulat sa tissue ng Kapihan

Pwedeng pamunas ng pwet
Panglinis ng pipa ng yosi
Pantanggal ng muta
Sa kulangot pwede rin.

Gasgas na ngang style
Pero OK pa rin naman
Higop ng kape
Hithit ng usok.

Musikang paulit-ulit
Linyang walang kabuluhan
Ewan,basta may awit
Pang-aliw na lang sa sarili.

Walang kwentang gawain
Pamatay ng oras lang
Pang-relax na rin
Sa isipang pinagod

Pinagod ng mga trabaho
Na-relax nga ba ako?
Oo naman, kahit sandali
Bukas, trabaho na naman!
|| nilaga ni qroon, 5:57 PM

0 Ang nakihigop:

Makihigop na!