Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Friday, September 16, 2005

Salakay: Isara Ang Mga Kapihan!

Ilang linggo na rin na matunog na matunog ang gagawing raid ng BSA/NBI/OMB sa mga Internet Cafe at Gaming Shops. Software Piracy ang dahilan. Karamihan sa mga ito ay walang licensed software. Biglang dumami ngayon ang interesado sa Linux at Open Source. Pati nga kaming mag-asawa ay kinakausap na rin ng ilan sa mga may-ari ng Internet Cafes. Mukhang maganda ang nangyayari para sa Open Source. Ngunit may mga bagay na dapat tandaan sa pag-gamit ng Linux.

Linux is not Windows - marami ang umaasa na katulad ng Linux ang MS Windows. Dahil dito, marami ang nabibigla at parang nahihirapan na gumamit ng Linux.

Kailangan ng tiyaga - sa pagbabasa ng mga forum, mailing list archives at how-to's ay marami ang matutunan upang mapadali ang paglipat sa Linux.

Mga laro - hindi agarang mai-install ang native windows games sa Linux, may mga kailangan pang gawin, isa na dito ay ang paggamit ng Cedega o kaya naman ay Wine. At kung nakararanas naman ng mga problema, ay maaring kopyahin ang mga DLL galing sa C:\windows\ (Windows installation) patungo sa Linux.

Mga Application - Maraming alternatibong software na magagamit sa Linux upang magampanan ang iba't ibang gawain sa Windows. Ilan na dito ay ang OpenOffice.org, na katumbas ng MS Office. Firefox para sa web surfing. X-chat kapalit ng mIRC. GAIM ay maaaring gamitin upang maka-connect sa Yahoo! Messenger, MSN Messenger at maging ang Google Talk. Sa image editing naman ay maaring gamitin ang GIMP.

License - may mga Windows application na kaagad maiinstall gamit ang Wine o CrossOver Office, ngunit hindi ito dahilan para hindi na bumili ng lisensya para sa software na kagaya ng Photoshop.

Marami pa ngang dapat talakayin tungkol sa paglipat mula sa Windows patungo sa Linux at Open Source. Nakahandang tumulong ang iba't ibang lokal na grupo upang maisakatuparan ito. Kung may mga katanungan ay maaring puntahan ang link na ito.
|| nilaga ni qroon, 6:34 PM

0 Ang nakihigop:

Makihigop na!