Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Wednesday, September 21, 2005

Papel sa Kapihan: Pangalawang Pamunas


Pangalawang Tulang Sinulat sa Tissue

Pearl Jam, yosi at kape
Pinipilit na maaliw
Sa tanawin ng lungsod
Mga jeep na mausok.

Sampung barker, dalawang pasahero
Maulan na panahon
Magsyotang malalambing
Lalakeng gustong pumopoy.

May babaeng nakakamison
Naghihintay, mukhang may ka-eyeball
Paparating na si Boy
Pormang-porma nagpapa-cute.

Hi, sorry I'm latte,
Oh, I mean, I'm late.
Patawa, may buhok naman
Smile si girl, plastic.

Uwi na nga lang ako
Yabangan at plastikan na ito.
Lakad, Boy Dapa, lakad
Bukas, trabaho na naman!
|| nilaga ni qroon, 6:30 PM

2 Ang nakihigop:

masarap nga magsulat ng tula sa tissue :)
Blogger dezphaire, at 12:00 PM  
Oo nga, kaso kinakalawang na ako sa pagsusulat ng tula ngayon, he he he.
Blogger qroon, at 2:21 PM  

Makihigop na!