Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Tuesday, August 23, 2005

Linux NFS Install

Maaring gamitin ito sa Fedora Core, RHEL (Red Hat Enterprise Linux) at clones kagaya ng CentOS. Ilagay ang mga .iso sa isang directory halimbawa:

/var/www/html/centos3/

Idagdag ang linyang ito sa /etc/exports, maaring gumamit ng text editor kagaya ng vi:

/var/www/html/centos3/ *(ro,no_root_squash)

Maaari din namang sa halip na (*) ay ang ip address na nais makagamit ng NFS.

/var/www/html/centos3/ 192.168.0.245(ro,no_root_squash)

Simulan ang NFS services o kapag tumatakbo na ay i-restart ito:

service nfs start
service nfs restart

Mag-burn ng isang iso (CD 1) upang magamit sa pag-boot sa makinang lalagyan ng Linux. Sa boot options ay ilagay ito:

linux askmethod

Maarin ng piliin ang NFS method, sa dialog na nagtatanong ng information tungkol sa NFS server ay ilagay ang mga sumusunod:

NFS Server Name: Ip address ng server kung nasaan ang iso
Directory:
/var/www/html/centos3/

Maaari ng ituloy ang installation pagkatapos nyan. Magkape habang nagi-install.

|| nilaga ni qroon, 10:28 AM

3 Ang nakihigop:

pedeng pumopoy habang nag-iinstall??? hehehehe
Anonymous Anonymous, at 1:03 PM  
pwedeng pwede, basta ikaw boy popoy!
Anonymous Anonymous, at 1:20 PM  
From what I remember, floppies can be used to boot RHEL 3, FC1, Redhat 9 and below. Ngayon, kailangan ang bootdisk ay CD. :(. Paano yung mga computers na walang CD drives?
Blogger chivas, at 10:39 PM  

Makihigop na!