Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Monday, August 29, 2005

Galing ng Kape

Ito ang magandang balita sa mga mahilig magkape:

Coffee 'gives more antioxidants than fruit and veg

Enjoy!
|| nilaga ni qroon, 9:43 AM || link || (3) ang nakihigop |

Tuesday, August 23, 2005

Linux NFS Install

Maaring gamitin ito sa Fedora Core, RHEL (Red Hat Enterprise Linux) at clones kagaya ng CentOS. Ilagay ang mga .iso sa isang directory halimbawa:

/var/www/html/centos3/

Idagdag ang linyang ito sa /etc/exports, maaring gumamit ng text editor kagaya ng vi:

/var/www/html/centos3/ *(ro,no_root_squash)

Maaari din namang sa halip na (*) ay ang ip address na nais makagamit ng NFS.

/var/www/html/centos3/ 192.168.0.245(ro,no_root_squash)

Simulan ang NFS services o kapag tumatakbo na ay i-restart ito:

service nfs start
service nfs restart

Mag-burn ng isang iso (CD 1) upang magamit sa pag-boot sa makinang lalagyan ng Linux. Sa boot options ay ilagay ito:

linux askmethod

Maarin ng piliin ang NFS method, sa dialog na nagtatanong ng information tungkol sa NFS server ay ilagay ang mga sumusunod:

NFS Server Name: Ip address ng server kung nasaan ang iso
Directory:
/var/www/html/centos3/

Maaari ng ituloy ang installation pagkatapos nyan. Magkape habang nagi-install.

|| nilaga ni qroon, 10:28 AM || link || (3) ang nakihigop |

Wednesday, August 17, 2005

Inaagosto

Inaagosto, yan ang salitang ginagamit ng mga nakatatanda kapag kinakapos sa pananalapi. Nararamdaman daw ang kahirapan tuwing b'wan ng Agosto. Tamang-tama nga ito sa nararanasan ko ngayon. Kinukulang na ang panggastos namin. Damang-dama na namin ang krisis na dala ng suliraning pulitikal at ng pandaigdigang pagtaas ng halaga ng langis. Kailangan na ng pagtitipid. Ngunit ano pa ang titipirin kung halos tamang tama lang ang kinikita?
|| nilaga ni qroon, 10:12 AM || link || (0) ang nakihigop |

Tuesday, August 16, 2005

Walang Magawa

Your Hidden Talent
You have the natural talent of rocking the boat, thwarting the system.
And while this may not seem big, it can be.
It's people like you who serve as the catalysts to major cultural changes.
You're just a bit behind the scenes, so no one really notices.

What's Your Hidden Talent?
|| nilaga ni qroon, 2:20 PM || link || (0) ang nakihigop |

Monday, August 15, 2005

Yum

# yum clean all
# yum makecache
# yum update

Magkape habang naghihintay ng updates.
|| nilaga ni qroon, 1:49 PM || link || (0) ang nakihigop |

Thursday, August 11, 2005

Ilusyon

|| nilaga ni qroon, 1:13 PM || link || (0) ang nakihigop |

Monday, August 01, 2005

Usapang Maganda at Kabalintuanan

Noong Sabado ay tungkol sa pamantayan ng kagandahan ang paksa sa Imbestigador. Tinalakay kung ano ba ang pananaw nating mga Pilipino sa kaanyuan. Lumalabas sa pag-aaral na malaki ang ipinagbago ng ibig-sabihin ng kagandahan para sa nakararami nating mga kababayan. Maputing kulay ng balat, matangos na ilong at matangkad ang pangkariwang pumapasok sa isip ng marami pag nabanggit ang salitang kagandahan.

Marahil ay nabuo ito dala ng mahabang panahon na tayo ay nasakop ng iba't ibang bansa at kalinangan. Isama na rin natin ang katotohanan na karamihan sa mga Artista at sikat na tao ay mga Mestizo/a o di kaya naman banyaga. Dala na marahil ng Kanluraning pananaw ng kagandahan lalo na sa mga kababaihan; malalaking dibdib, maliit na bewang, malapad na balakang at maputing kutis.

Maging sa paghahanap ng trabaho ay lamang na lamang ang may kaaya-ayang kaanyuan. Malaking dagdag na puntos daw kapag ikaw ay maganda. Naisip ko tuloy na dagdag ito bukod pa sa pagtatangi sa mga pamantasang pinanggalingan. Hindi nga yata patas ang labanan.

Natutuwa marahil ang mga Cosmetic Surgeon dahil lalong dumadami ang mga parokyano nila. Ganoon din naman ang mga gumagawa ng mga sabong pampaputi. Sa mga patalastas nila ay ipinagdidiinan talaga na mas maganda ang mga mapuputi! Sa bansang karamihan ng mga kababaihan ay kayumanggi ay milyun-milyon nga ang kikitain nila.

Oo nga pala Biolink ang isa sa mga patalastas ng Imbestigador.

Ahem! Excuse me po!
|| nilaga ni qroon, 10:28 AM || link || (0) ang nakihigop |