Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.
Wednesday, August 17, 2005
Inaagosto
Inaagosto, yan ang salitang ginagamit ng mga nakatatanda kapag kinakapos sa pananalapi. Nararamdaman daw ang kahirapan tuwing b'wan ng Agosto. Tamang-tama nga ito sa nararanasan ko ngayon. Kinukulang na ang panggastos namin. Damang-dama na namin ang krisis na dala ng suliraning pulitikal at ng pandaigdigang pagtaas ng halaga ng langis. Kailangan na ng pagtitipid. Ngunit ano pa ang titipirin kung halos tamang tama lang ang kinikita?
|| nilaga ni qroon, 10:12 AM