Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.
Wednesday, January 12, 2005
Tagalog sa Batangas
Ang mga sumusunod na salita ay ilan lang sa mga tagalog ng Batangas:
- Tubal - maruruming damit
- Guyam - langgam
- Dag-im - madilim na kalangitan, kalimitan ay nagbabadya na malapit ng umulan
- Katalamitan - kakwentuhan
- Barik - lasing o inuman
- Tipay - butones
- Taro - timba
- Kalpi - wallet
- Sinsay - daan; Halimbawa: Sinsay ka muna dito sa bahay at makapagkape.
- Lipon - usapan o kwentuhan
Sa mga susunod pang mga araw ay madagdagan pa ito, sa ngayon eh eto pa lang ang naaalala ko at ni Ofelia Joy.
|| nilaga ni qroon, 11:50 AM