Kapihan ni Qroon -- Talaarawang Tagalog

Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.

Google
 
Web Kapihan ni Qroon

Saturday, January 29, 2005

24/7

Bumili kami ni Joy ng Sun Cellular sim card dahil nadala kami sa 24/7 unlimited sms and call promo. Ok naman dahil makatitipid nga kami sa prepaid cards. Ang nakayayamot nga lang eh ang pagiging busy ng network ng Sun. Natatagalan bago matanggap ang mga sms messages. Sa tawag naman, kapag sinuwerte kang makatawag eh mapuputol na kapag 15 mins. na, malimit pa nga eh 10-13 mins. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maasar ngayon, nakatitipid nga kami sa prepaid card pero naiinis naman dahil sa pangit na serbisyo.
|| nilaga ni qroon, 3:58 PM

0 Ang nakihigop:

Makihigop na!