Dito sa Pilipinas halu-halo ang ginagamit na panukat. Metric (SI) at Imperial Units. Sa pagsukat ng taas ng tao, kalimitan pa ring ginagamit ang feet at inches (maging vital statistics). Ngunit sa timbang, kilograms ang kalimitan.Sa palengke, pag bibili ng tela ay tinatanong kung ilang yarda (yard). Samantalang kapag isda, bigas at karne ay kilo (kilograms) naman ang gamit. SI ang gamit pagdating sa mga sasakyan, km/h sa bilis at litro (liter) sa gas.Maging sa pulitika, halu-halo rin. Mayroong iba ang presidente at bise presidente, pati na rin ang mga senador. Ganoon din sa sa lokal na halalalan. Malusog na demokrasya? Maaari. Ngunit kung papansinin, lipatan lang ang nangyayari. Ibang usapan na yun.At dahil mainit ang panahon, masarap kumain ng halu-halo!Labels: Pilipinas, Pulitika
|| nilaga ni qroon, 12:50 AM
|| link
|| (2) ang nakihigop |
May review ako ng bagong album ng Pearl Jam, Backspacer. Matatagpuan ito sa QrooniX.Labels: Backspacer, Musika, Pearl Jam
|| nilaga ni qroon, 11:40 PM
|| link
|| (0) ang nakihigop |
Bihira na akong manood ng mga palabas sa lokal na telebisyon Bihira na akong manood ng telebisyon. Bakit? Una ay napakahuling ipalabas dito ang mga gusto ko (30 Rock, How I Met Your Mother, The Big Bang Theory, Heroes, etc.). Huli ng isang buong season! Ang mga balita ay hinahaluan ng kung anu-anong gimmick. Kaya mas gusto ko pang magbasa ng balita sa Internet.Hinahanap-hanap ko ang dating estilo ng lokal na telebisyon. Sa ala-sais ng gabi ang balita, may sitcom araw-araw at isa o dalawa lang ang soap opera. At mga alas-dyes naman ang sunod na balita. Bakit di na lang ako manood ng ibang himpalan sa cable? Nakatatamad nga dahil kalimitan ay re-run ang mga palabas.Ayaw ko ng magkomento tungkol sa kalidad ng mga lokal na palabas. Marami lang ang magagalit. Sugudin pa ako dito ng mga ka(ipasok dito kung alin ang kinaaniban o sinasambang network). Oo nga pala, yung mga Live daw na palabas ay hindi naman Live! Napakahuli, mabuti pa ang streaming sa Internet! Mayroon pa naman paboritong panuorin, ang mga patalastas na maganda ang pagkakagawa!Mabuti na lang at may ibang pwedeng pagkaabalahan gaya ng pagbabasa ng mga aklat at komiks. Maari ring makinig at tumugtog ng musika. Maglaro ng darts at iba pa.* * * * *To Star World, JackTV and others, please show the latest season! We can tolerate a day to a week delay. But a whole season late? Unacceptable!Labels: Telebisyon, Wasang
|| nilaga ni qroon, 11:50 PM
|| link
|| (0) ang nakihigop |
|| nilaga ni qroon, 10:16 PM
|| link
|| (1) ang nakihigop |
Tagahanga ako ng mga Logo ng Google. Tagahanga rin ako ni Ninoy Aquino. Kaya naisipan kong gumawa ng mga logo na nasa ibaba.The GIMP at Inkscape ang ginamit ko para magawa ang mga ito. Ang font naman na ginamit ko ay Catull.Labels: Google logo, Inkscape, Ninoy Aquino, The GIMP
Sa mga pahayag na mababasa at mapapakinig natin sa mga balita ay parang napakamasalimuot ng usapin tungkol pagkakagad ng National Artist Award kay Ginoong Carlo J. Caparas (CJC). Umabot pa na pararatingin sa Korte Suprema ang usapin. Ginamit pa ang walang kamatayang mahirap laban sa mayaman.Ngunit kung lilimiin natin, ay makikitang payak lang ito. Walang kinalaman ang mahirap laban sa mayaman. Hindi rin ito usapin kung magaling o hinding gumuhit si CJ.C. Ito ay kung akma ba sa kategorya (Visual Arts and Film) ang gawad kay CJC. At kung dumaan sa proseso (peer review) ang nominasyon sa kanya.Si CJC nga ang lumikha ng mga komiks na kagaya ng Panday at iba pa. Ngunit sya ba ang gumuhit nito? Hindi. Kung ihahalintulad mo ito sa isang kompositor at mangaawit, gagawaran mo ba ng Best Singer Award ang lumikha ng awit? O ang gagawaran ng parangal ay ang umawit? Sa larangan naman ng Pelikula (Film), sa tingin nyo ba ay ang mga massacre na pelikula ni CJC ay magandang kumatawan sa Pelikulang Pilipino?Huwag naman sanang gamitin pa ang paksang mahirap laban sa mayaman. Ito ay hindi makatutulong para malutas ang usapin. Ayon sa mga pahayag, maraming naitulong sa pamayanan si CJC. Ngunit hindi usapin kung marami syang natulungan o wala. Ang pag-usapan ay kung naayon ba sa pamantayan ng pagpili ng National Artist Award ang pagkakapili kay CJC.------Ang larawan sa itaas ay nilikha ni Macoy. Labels: Komiks, National Artist Award, Pelikula, Pulitika
|| nilaga ni qroon, 10:34 PM
|| link
|| (0) ang nakihigop |