Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.
Monday, December 11, 2006
Laruan, Laruan ... Nagbata-bataan
Noong bata pa ako ay hindi ako makabili ng mga laruang kagaya nito. Una ay kapos ang pambili at ang panglalawa ay walang mabilihan sa probinsya namin. Yung Transformer (Optimus Prime Hybrid Style Convoy) ay gusto ko talagang mabili dati. Tiyaga na lang sa pagtingin sa mga catalogue ng laruan. Kaya ngayong medyo nakaipon ay nakabibili ako kahit papaano.
T.H.S. 02 Optimus Prime Hybrid Style Convoy
Ang mga Gundam naman na ito ay para may makalikot ako. Masarap ang sumunod sa manual at buuin sa isang robot ang bwat maliliit na parte ng isang Gundam.
At ang mga gamit at laruang baril naman na ito ay para sa airsoft games. Ano ang justification ko? Form of an exercise at pagtanggal ng stress, he he he.
TM Steyr AUG, TM Samurai Edge, Helmet at Mask
Minsan ay naiisip ko kung kailangan ko ba talaga lahat ang mga bagay na ito. O nais ko lang punuan ang mga bagay na di ko nabili dati. O biktima na ako ng dikta ng lipunan na kailangang bumili ng kung anu-ano para sumaya. Siguro nga ay may epekto sa akin ang consumerism. Ah! Ewan ko, hindi ko alam.
|| nilaga ni qroon, 4:22 PM
11 Ang nakihigop:
opo inay :D di ako nakatiis. mahirap i-transform dahil maliliit ang parts. bili na lang ng isa pa for mint condition :D
para asawa ko.. mahilig din sa mga ganyang laruan.. eto nga't may kabibili lang na remote control na sasakyan. lahat yata ng klase ng robot gusto nya.. wala daw kase syang laruan nun bata ngayong may pera dun na lang bibili..
Tinipong kaisipan, saloobin at kung anu-ano pang bagay.
Baybayin
Baybayin po ang tawag sa sinaunang paraan ng pagsulat ng mga Filipino at hindi Alibata! Ang salitang Alibata ay binuo lamang noong mga unang taon ng 1900.