Sa larangan ng teknolohiya at musika, masaya akong ibalita na nagagamit ko sa Fedora Linux ang aking Zoom B2.1u bass effects (pakitingnan na lang ang detalye sa QrooniX). Hindi muna ako tumutugtog ngayon sa bars sa Manila dahil sa takot sa Influenza A(H1N1). Paumanhin sa aking mga kabanda (BlissBuds). May ilan naman akong naisulat na kanta na magagamit natin sa mga susunod na buwan.* * * * *Sa mga pelikula naman, nakapanood kami ni misis ng Transformers: Revenge of the Fallen. Gumising kami ng maaga (a las diez pa lang umaga ay nasa SM na) para maunang makapanood noong unang araw ng palabas at para na rin kakaunti pa ang naunood (takot pa rin sa H1N1!). Nakailang Bumblebee na rin kaming nabili ni misis. Habang nagbabasa naman kami ngayon ng mga review ng mga pelikulang nasa-DVD na. Baka may maimumungkahi kayo dyan.* * * * *Simula ng pagbabalik ng mga estudyante sa mga paaralan ay may may isang issue na gusto kong punahin; Ang pagbibigay ng instant noodles sa mga mag-aaral! Bakit hindi ibalik yung pamamahagi ng bulgur? Ibalik na rin ang nutribun! Labels: BlissBuds, Bulgur, Linux, Nutribun, Transformers