Ilang beses ko na ring napapanuod ang patalastas ni Manny Villar na Akala Mo. Hindi ang kanyang plataporma ang paksa nitong tala ko. Kundi ang pag-gamit ng patalastas ng salitang Conyo/Coño. Hindi kaya nagsaliksik man lang tungkol sa salitang Conyo/Coño ang mga gumawa ng patalastas? Ang salitang ito ay español na kalimitan ay sa pagmumura ginagamit. Ang literal na ibig sabihin ay ang maselang bahagi ng katawan ng mga kababaihan.Sa ibang dako naman. Napaguusapan na rin lang ang mga salita sa telebisyon at radyo, ay parang wala ng censorship ngayon. Narinig ko sa radyo na may ilang kumentarista na gumagamit ng salitang 'pucha'. Wala naman akong reklamo, nagtataka lang. Ganoon din ang 'bull shit', ginamit ito sa isang soap opera. Ang pagkakaalam ko ay kapag recorded ang isang programa, ay maaring baguhin o putulin ang naturang salita pago ipalabas.Labels: Patalastas, Pulitika, Radyo, Telebisyon
ang pagkakaalam ko sa salitang Conyo ibig sabihin nun sosyal/colonial mentality. pauso mo lang yang sinasabi mo